Perfume, P18 K isang bote… SUOT NA BRACELET NI MARIAN, HALOS P3 MILYON!
ni Nitz Miralles - @Bida | March 9, 2022

Pinresyuhan na naman ng mga netizens ang suot na Graff bracelets ni Marian Rivera na hindi pa nga alam kung sa aktres talaga o ipinapakita lang niya.
Paano naman, $10,500 each o katumbas daw ng P547,890 (current exchange rate) ang worth ng Graff Spiral Pave Diamond Bangle. Eh, five bangles ang isinuot ni Marian, kaya halos nasa P3 million ang worth nito.
Kasama rin sa clip posted in Marian’s Instagram ang Graff’s Lesedi La Rona l perfume na mabibili ng P18,000 ang 100 ml. Parehong mamahalin ang bangles at perfume, kaya kani-kanya ng comments ang mga netizens na nakakaaliw basahin.
Gaya na lang ng nag-comment na “Jusko, sinampal tayo ng kahirapan!”
May nag-comment pa ng “Suwerte ni Zia, puro mamahalin ang mamanahin.”
Isa pang comment, “Maryosep, 'yung presyo n'yan, makakapagpatapos ka na ng college.”
Hindi pa alam kung ipino-promote lang ni Marian ang Graff bracelets at perfume dahil wala pa itong sinasabi. Wala nga siyang caption sa kanyang post at nag-hashtag lang ng “#FallinLoveWithGraff” na parang endorsement ang dating.
On the other hand, hindi rin nakakagulat kung may Graff jewelry si Marian dahil sunud-sunod ang endorsements at magandang investment ang jewelry.





Comments