top of page
Pokwang.jpg

Pera-pera pa rin daw… HIRIT NI ROBIN: SISTEMA SA MMFF, BULOK PA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2020
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 5, 2020




Ayon kay Robin Padilla, masaya siya para sa mga pelikulang nakasama for this year’s Metro Manila Film Festival but at the same time ay kinuwestiyon din niya at binatikos ang screening committee ng festival.


Ayon sa recent Instagram post ni Binoe, tila may sariling mundo ang MMFF screening committee na hindi raw nabubuhay sa katotohanan.


“Maligaya ako sa mga napiling pelikula para sa darating na Metro Manila Film festival. Makakapanood na naman ng mga pelikula ang taongbayan ng mga obra ng magagaling na direktor at mga sikat na artista.


"Nakaugalian na kasi natin na lumayo sa katotohanan ng buhay at mabuhay sa sarili nating mundo at magpanggap na maayos ang lahat.


“Kailan kaya lalabas sa kanilang mga sariling mundo ang screening committee ng MMFF at magsimulang mabuhay sa katotohanan at maging hudyat para magamit ang kanilang kapangyarihan upang makapagmulat ng kanilang kababayan sa mga suliranin na dapat ay hinaharap at hindi tinatakbuhan o kinakatakutan.


“Kung nakikinig lamang at tunay na may paggalang sana ang mga screening committee na ito sa ating national artist na si Kidlat Tahimik, marahil ay mabubuksan ang kanilang puso lalo ang kanilang kaluluwa at konsensya sa tunay na gamit sa paggawa ng Pelikula at kung paano ito magiging daan para mabuksan ang kaisipan ng taongbayan sa tunay na mukha ng buhay hindi sa mga maskara na idinikdik sa kanilang mga kaisipan ng mga negosyante sa loob ng pelikulang Pilipino,” ang pahayag ni Binoe.


Ipinunto rin ni Binoe na hindi raw lahat ng taga-pelikula ay kita lang ang habol.


“Mga kababayan, hindi lahat ng nasa pelikula ay kita sa takilya ang habol! Katulad ng pangmumulat ng national artist na si Kidlat Tahimik.


"May mga filmmakers tayo na nabubuhay lamang sa pag-ibig sa bayan at pagmamahal sa kapwa tao at Pilipino.


“May mga taong hindi taga-pelikula ang naniniwala sa kapangyarihan ng pelikula na maghayag ng katotohanan kaya't sila ay handang lumantad at mag-alay ng buhay maisiwalat lamang sa taongbayan kung ano ang katotohanan at kung ano ang kasinungalingan,” patuloy ni Binoe.


Dagdag pa niya, tila inililigaw daw tayo ng landas ng screening committee ng MMFF.


“Napakasakit isipin kung sino pa ang mga nasa pelikula, sila pa ang pumipigil sa kapangyarihan ng pelikula na makapaghayag ng katotohanan at ng kasinungalingan. We have lost our ways, my dear brothers and sisters in the screening committee,” saad niya.


Sa huli ay nagbigay siya ng mensahe sa MMFF screening committee at diretsahang sinabing new normal na pero old normal pa rin ang pinaiiral ng mga ito.


“Show business is not all about your shows and your businesses.


“It is not always about your money, your profit and your awards.


"Do not be an instrument of confusion nor distraction, one way or the other, you should use your gift for the benefit of the truth and change.


"New normal na! Pati ang showing ng mga pelikula n'yo sa MMFF, pero ang style n'yo, old normal pa rin,” he concluded.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page