top of page
WINNER - KIM, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFTIG _chinitaprincess.jpg

Pera, alahas tinangay... Mag-asawa niratrat sa loob ng bahay, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
42 minutes ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | September 10, 2026



Pera, alahas tinangay... Mag-asawa niratrat sa loob ng bahay, patay

Photo: File



Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang mag-asawa makaraang pasukin ng armadong kalalakihan ang kanilang tahanan habang tulog ang mga ito sa Brgy. Talitay, Datu Montawal, Maguindanao del Sur nitong Martes ng gabi.


Kinilala ang mga biktima na sina Alex at Bimban Bai Pandapatan na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.


Tinangay umano ng mga hindi nakilalang salarin ang pera at alahas ng mga biktima bago nagsitakas.


Nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga salarin at mapanagot sa batas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page