top of page

Pensyunado na residente sa ‘Pinas, exempted sa ACOP — SSS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2022
  • 2 min read

ni Lolet Abania | March 12, 2022


ree

Ipinahayag ng bagong itinalagang Social Security System (SSS) president at chief executive officer na si Michael Regino na ang mga retired o retirement pensioners na naninirahan sa bansa ay mananatiling exempted mula sa pagkuha ng Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP), ito ay para patuloy na makatanggap ng kanilang buwanang pensyon.


Sa isang statement, sinabi ni Regino na ang mga naturang pensyunado na naninirahan sa Pilipinas ay hindi na required simula pa noong Oktubre 30, 2017 na mag-report sa anumang SSS branch, kapag buwan na ng kanilang kapanganakan para mag-comply ng ACOP.


“We recognize the challenges brought about by the pandemic and we have suspended ACOP compliance starting February 2020 until September 30, 2021 to protect the safety and health of our pensioners,” sabi ni Regino nitong Biyernes.


“We devised a way that will no longer require our pensioners to do the annual reporting to SSS. We implemented various verification procedures to confirm if a retirement pensioner is still alive and entitled to receive his/her monthly pension,” pahayag pa ni Regino.


Ayon sa SSS chief, sa pagkuha ng pension fund, nire-require sa mga pensioners na mag-report taun-taon sa SSS, para matiyak na sa karapat-dapat na recipients lamang patuloy na tatanggap ng mga benepisyo.


“We have established ACOP in 2012 to ensure that we are giving the benefits only to those who are entitled under the Social Security Law. ACOP protects the SSS fund from various kinds of fraudulent claims wherein some beneficiaries still receive SSS pensions while the member is already deceased, especially for surviving spouses,” paliwanag ng opisyal.


Nilinaw naman ni Regino, na mayroon lamang apat na klase ng pensioners, kabilang dito ang survivor (death), total disability, dependent’s pensioners at retirement pensioners na naninirahan abroad na kailangang kumuha ng ACOP.


Aniya, mayroon na lang sila hanggang Marso 31, 2022 para magsagawa ng kanilang yearly reporting online at iba pang non-face-to-face methods.


“Non-compliance with the yearly reporting will lead to temporary suspension of their monthly pensions starting May 2022,” sabi ni Regino.


“They also have the option to send their compliance through mail or courier service addressed to the branch head of the nearest SSS branch if they reside in the Philippines. If residing overseas, they can send it to the SSS OFW-Contact Services Section located in the SSS Main Office in Quezon City, or the nearest foreign representative office,” anang opisyal.


Sinabi ni Regino na maaari rin nilang gawin ang kanilang ACOP sa pamamagitan ng video conferencing via Microsoft Teams para sa mga pensioners na naninirahan abroad. Habang puwede ring mag-request ng appointment sa ofw.relations@sss.gov.ph.


“On the other hand, total disability pensioners residing in the Philippines can comply with ACOP through a home visit by sending a written request via e-mail or mail addressed to the Medical Services Section of the nearest SSS branch,” sabi pa ni Regino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page