PBBM, dapat magpa-drug test — VP Sara
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
by Info @ News | November 23, 2025

Photo File: Inday Sar Duterte at Bongbong Marcos - FB
Iginiit ni Vice President Sara Duterte na kailangang magpa-drug test ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasunod ng alegasyong pinukol ni Sen. Imee Marcos sa kanya at sa iba pang miyembro ng First Family.
“Dapat kapag merong challenge na ganyan ay i-submit mo agad ang sarili mo for a drug test — lahat ng mga nakasama nila sa parties nila nagsasabi na gumagamit sila ng droga,” ayon kay VP Sara.
Idinagdag din niya na ang pagpapa-drug test ng Pangulo ay isang paraan para patunayan na may kakayahan pa itong mamuno sa bansa.








Comments