Cassandra Ong, hinahanap na ng kapulisan — Sen. Gatchalian
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
by Info @ News | November 21, 2025

Photo File: Cassandra Ong / Senate
Hina-hunting na ng mga awtoridad si Cassandra Li Ong kaugnay ng kasong qualified human trafficking, ayon kay Senator Win Gatchalian.
Kasunod ito nang ibulgar ni Gatchalian na nakalaya mula sa Correctional Institution for Women (CIW) si Ong na itinuturong representative ng Lucky South 99 at kasalukuyang ‘at large’.
Ayon kay Gatchalian, nataon na ang paglabas ni Ong sa pasilidad ay kasabay ng transition mula 19th Congress patungong 20th Congress at wala pa itong kaso noon.
“Na-detain ho siya sa House and then because of the transition from the 19th Congress to the 20th Congress, pinalabas siya sa detention. At that point, wala pang kaso. So ngayon ho meron nang kaso, the same, qualified human trafficking,” saad niya.
Kaugnay nito, nakataas na ang hold departure order laban kay Ong at pinapa-verify sa Bureau of Immigration kung nakataas ba ito.








Comments