top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pekeng trabaho online talamak, ingat!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Marso 16, 2024


May panibago na namang scheme sa internet at ang target ng mga scammer ay ang mga job hunters.


Kaya nagbabala na ang Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa mga gumagamit ng pekeng online pages para sa oportunidad kuno sa trabaho at ang matindi, may pekeng job interviews pa.


Ang siste, hihikayatin ang mga biktima na maglagak ng security deposit at bayad sa Health Maintenance Organization para sa pagproseso raw ng aplikasyon sa kanilang target na trabaho. 


Gumagawa rin ang mga ito ng pekeng kontrata, kung saan gamit pa ang logo ng mga bangko para gawing kapani-paniwala ang ipinakikitang dokumento.


Kaya suriing mabuti ang bawat post, i-verify ang proseso ng pag-hire at huwag na huwag magpapadala ng pera.


Kung nagiging mas madiskarte ang mga scammer, kailangan nating maging mas mapagbantay at wais para ‘di maloko.


Huwag masilaw sa mga mataas na sahod at kung anu-anong benepisyo na sobrang layo na sa katotohanan.


Mainam na tumawag sa DOLE upang masuri kung legit ang job opportunities na nakitang iniaalok.


Kaya tayo naghahanap ng trabaho ay para kumita at hindi para pagkakitaan ng mga kapalmuks na walang konsensya!

 

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page