top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pediatricians, pinasasaklolo sa pagbabakuna sa edad 5 hanggang 11

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | January 24, 2022



Habang patuloy na pinaplantsa ang panuntunan sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 5 hanggang 11, nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga volunteers, partikular sa medicine sector na tumulong sa vaccination rollout.


Tinatayang magsisimula ang vaccination rollout para sa naturang age group sa susunod na buwan, kung saan target ng kagawaran na makapagbakuna ng 12.5 milyong bata.


Ayon kay Dr. Eric Tayag, director ng DOH Knowledge Management and Information Technology Service, habang pinalalawig ang pagbabakuna sa mga edad 18 pataas, kung saan kabilang na rin ang ilang botika na ginawang vaccination site para sa booster shot, nangangailangan naman ng vaccine teams para sa rollout ng bakuna.


Paliwanag ng opisyal, malaki-laki ang target ng pamahalaan kaya’t kinakailangan ang tulong ng health professionals, partikular ang mga pediatrician.


Kasabay ng panawagan ang pagpapaalala ng opisyal sa mga doktor at ibang health professionals na bigyan ng panahon ang mga magulang na maunawaan kung paano makatutulong ang COVID-19 vaccine sa kanilang mga anak, gayundin kung paano ihahanda ang mga bata sa pagpapabakuna.


Magandang balita na pinaghahandaan natin ang pagbabakuna sa mga edad 5 hanggang 11, lalo pa’t lumalabas sa mga ulat na karamihan sa mga tinatamaan ng COVID-19 ay mga batang hindi bakunado.


Gayunman, hindi lang basta makapagbakuna ang layunin natin dahil kailangang matiyak na may sapat na kaalaman at karanasan ang mga magbabakuna. Dahil dito, kakailanganin talaga ang tulong ng mga propesyunal upang ligtas na maisagawa ang pagbabakuna sa mga edad 5 hanggang 11.


Samantala, paalala sa mga magulang, hindi tayo nagmamadaling mabakunahan ang mga bata, nais lamang nating makasiguradong handa kayo, gayundin ang inyong mga anak sa oras na magsimula ang rollout.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page