PDP-Laban, kinondena ang suspensiyon ng MTRCB vs 'Gikan'
- BULGAR

- Dec 20, 2023
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | December 20, 2023

Kinondena ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang 14-araw na suspensyon mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa programa ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na 'Gikan sa Masa, Para sa Masa sa SMNI.
Ayon kay PDP Laban Secretary General Aimee Torrefranca-Neri, isa itong malinaw na atake sa kalayaan ng pamamahayag.
Nagbaba ng banta si Duterte laban sa buhay ni House Deputy Minority Leader France Castro sa mismong programa na nakarating sa MTRCB at nagresulta sa pagkakasuspinde nito.
Saad ni Neri, “PDP-Laban, as a party strongly fighting and advocating for participatory democracy, condemn in the strongest terms the 14-day suspension imposed by the MTRCB on the former President Duterte’s program over SMNI titled ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ because this an affront and attack on press freedom.”
Binigyang-diin din ni Neri na depensa lang ito ng dating Pangulo laban sa kaso ng panggigipit na isinampa sa kanya ni Castro.
Dagdag ni Neri na, pagkukwento lang ang ginawa ni Duterte ukol sa pag-uusap na naganap sa pagitan nila ng kanyang anak na si Bise-Presidente Sara Duterte.





Comments