PCG: Pagsagip sa mga tripulanteng Pinoy sa WPS, inabot ng 12 oras

ni Angela Fernando @News | June 21, 2024

Nagpahayag si Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard para sa West Philippine Sea, nitong Biyernes na inabot sila ng 12 oras sa pagliligtas sa mga crew na nasugatan sa insidente nu'ng Hunyo 17 sa Ayungin Shoal na kinasasangkutan ng mga sundalong Pilipino at ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard.
Sa panayam sa mga mamahayag sa Malacañang, sinabi ni Tarriela na ang PCG ay naging sentro ng agresyon at panggigipit ng CCG at Chinese Navy.
''It's also worth emphasizing that the Philippine Coast Guard did the rescue to the endangered personnel. It took us more than 12 hours to retrieve 'yung mga injured personnel natin on board BRP Sierra Madre,'' saad ni Tarriela.
Ayon kay Tarriela, ang mga tauhan ng PCG ay nakakuha ng nasirang RHIB ng militar ng 'Pinas nitong tanghali.





Comments