top of page

PBBM, seryosong isyu ng PDEA links, tinawanan lang, grabe!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 8, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


HINDI DAPAT TINATAWANAN LANG NI PBBM ANG PDEA LINKS NA NAGSASANGKOT SA KANYA KASI SERYOSONG ISYU ITO -- Uminit na nang husto ang atake noon ni ex-P-Duterte na bangag at adik sa cocaine si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kasi inimbestigahan na ito ng committee ni Sen. Ronald Dela Rosa, at sa hearing sa Senado ay idinidiin ni former PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) agent Jonathan Morales na kabilang ang noo’y Sen. Bongbong Marcos sa target sana nilang drug-bust operation noong year 2012.


After ng Senate hearing ay tinanong ng mga mamamahayag si PBBM tungkol sa PDEA links na nag-uugnay sa kanya sa droga, pero tinawanan lang ng Presidente ang isyung ito.


Pambihira, napakaseryoso ang alegasyon laban sa kanya (PBBM), pero imbes sumagot ng seryoso, eh tinawanan lang, tsk!


XXX


PARA MATAPOS NA ANG ISYUNG ADIK SIYA SA COCAINE, DAPAT MAGPA-HAIR FOLLICLE DRUG TEST SI PBBM -- Sa totoo lang, kung nais ni PBBM na matapos na ang isyung siya ay adik sa cocaine, simple lang naman ang dapat niyang gawin.


Tanggapin lang niya (PBBM) ang hamon ng kanyang dating executive secretary na si Atty. Vic Rodriguez na siya ay magpa-“hair follicle drug test,” at kapag lumabas dito na siya ay negatibo sa paggamit ng droga tapos na ang isyu, at tiyak iisipin ng publiko na fake news lang ang lahat ng mga alegasyon sa kanya na siya ay adik sa cocaine, period!


XXX


EX-P-DUTERTE, IPINAHAMAK NG CHINA -- Ipinahamak ng China si ex-P-Duterte kasi inamin na nila na ang dating presidente ang siyang pumasok sa “gentleman’s agreement” kay Chinese Pres. Xi Jinping na kaunting mangingisdang Pinoy lang ang makapangisda sa dagat ng Pilipinas at walang Philippine military at Phil. Coast Guard ang magroronda sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) na inaangkin ng China.


Hindi na dapat inanunsyo ng China ang “gentleman’s agreement” nina ex-P-Duterte at Jinping kasi hindi na siya (ex-P-Duterte) ang presidente ngayon kundi si Pres. Bongbong Marcos (PBBM), na ika nga ay wala nang bisa ang kasunduang pinasok ng ex-president sa China.


Dahil sa isiniwalat ng China ay bina-bash tuloy ngayon ng netizens si ex-P-Duterte, period!


XXX


KUNG SENTIMO LANG ANG IBINABA AT WALA PANG PISO, ‘DI ITO BIGTIME OIL PRICE ROLLBACK -- Ibinida ng Dept. of Energy (DOE) na may ipinairal daw kahapon na bigtime oil price rollback, na ang ibinaba raw sa kada litro ng gasolina ay P0.25, diesel ay P0.45 per liter at kerosene ay P0.90 per liter.


Sana sinabi na lang ng DOE na may oil price rollback at hindi na ibinida pang bigtime rollback kasi hindi maituturing na bigtime oil price rollback ito dahil wala pang piso ang ibinaba sa mga presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo, boom!

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page