ni Angela Fernando @News | July 21, 2024
Titiyakin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang seguridad ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, ayon sa kanilang pahayag nitong Linggo.
Sinabi ni AFP spokesperson Colonel Francel Padilla na handa silang magbigay ng karagdagang tao upang palakasin pa ang seguridad para sa SONA 2024, kasama ang Philippine National Police (PNP).
“Sa side ng Armed Forces of the Philippines, handang-handa na kami. Kami ay humahalinhin sa iba’t ibang roles that we will be playing in this,” saad ni Padilla.
Binigyang-diin din niya ang kanilang kahandaang gampanan ang kanilang tungkulin upang masiguro ang kaligtasan ng Presidente kahit na wala silang nakikitang banta sa nalalapit na SONA.
Comments