top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

PBBM, ‘pag sumablay ang mga sinabi sa SONA, malamang kahit ex-president na, bina-bash pa rin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 29
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 29, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAPAT IHANDA NA NI CONG. ROMUALDEZ ANG KANYANG SARILI KASI TILA MALAPIT NA SIYANG MAKULONG SA CITY JAIL – Ang unang tirada ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ay patungkol sa kanyang pinsan na si Leyte 1st District Rep. at dating Speaker Martin Romualdez. Ayon sa Pangulo, inihahanda na ng Ombudsman ang mga kaukulang kaso laban dito.


Dahil mismong ang Pangulo ang nagsabi nito sa kanyang SONA, dapat nang ihanda ni Cong. Romualdez ang kanyang sarili. Kapag naisampa na ng Ombudsman ang mga kaso sa Sandiganbayan, tiyak na makukulong na siya sa city jail. Period!


XXX


DAPAT TUPARIN NI PBBM ANG KANYANG MGA SINABI SA SONA KUNG AYAW MA-BASH – Maraming magagandang sinabi si PBBM sa kanyang SONA para sa kapakanan ng bayan at mamamayan.


Sana ay matupad ang lahat ng kanyang mga ipinangako. Kung boladas lamang ang mga ito, asahan na niyang puputaktihin siya ng batikos ng mga netizen sa social media, kahit matapos pa ang kanyang termino at maging dating pangulo na lamang siya. Boom!


XXX


ANG DAPAT PAG-INITAN NI SP GATCHALIAN AY MGA CELEBRITY AT VLOGGERS NA NAGPO-PROMOTE NG ONLINE GAMBLING, HINDI 'YUNG MGA MINORS – Hindi katanggap-tanggap para sa publiko ang panukalang batas ni Senate President Sherwin Gatchalian na "Social Media Safety for Children Act", na nagbabawal sa mga menor-de-edad, o 16-anyos pababa, na gumamit ng social media.


Napakaraming menor-de-edad ang, sa kabila ng kanilang edad, ay kumikita sa paggawa ng content na nagpapakita ng kanilang mga talento.


Sa halip na mga menor-de-edad ang pagtuunan ng pansin, mas nararapat sanang isulong ni SP Gatchalian ang panukalang nagbabawal sa mga celebrity at vloggers na mag-promote ng online gambling sa social media. Sa totoo lang, ang online gambling ang may masamang impluwensiya, hindi ang pagpapakita ng talento ng mga menor-de-edad sa Facebook, X, YouTube, TikTok, at Instagram. Period!


XXX


MGA KARGAMENTONG INILALABAS SA CUSTOMS NINA 'GERRY T.' AT 'KIMBERLY GANG', BAKA MAY PALAMANG SHABU KAYA DAPAT IMBESTIGAHAN – May impormasyon na naipupuslit umano nina "Gerry T." at ng "Kimberly Gang" ang kanilang mga kargamento nang hindi na sumasailalim sa inspeksiyon ng ilang tiwaling tauhan ng Customs.


Aba'y dapat itong imbestigahan ng Kongreso dahil baka isa ito sa mga dahilan kung bakit tila muling lumalala ang problema sa ilegal na droga sa bansa. Posible umanong may "palamang shabu" ang ilan sa mga kargamentong naipupuslit palabas ng Customs. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page