PBBM, may P100M ayuda sa mga magsasaka at mangingisda
- BULGAR

- May 10, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @News | May 10, 2024

Ibinigay ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang P100 milyong ayuda sa pamamagitan ng tseke sa pamahalaang panlalawigan ng Sultan Kudarat at Cotabato upang tulungan ang mga magsasaka, mangingisda, at kanilang pamilya na matinding naapektuhan ng El Niño.
Tumanggap ang dalawang pamahalaang panlalawigan ng tig-P50 milyon mula sa Pangulo sa kasagsagan ng pamamahagi ng tulong sa Isulan, Sultan Kudarat nitong Biyernes ng umaga.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na nagmula ang pondo sa Office of the President (OP) at tatanggap ang bawat benepisyaryo ng P10,000. Ibig sabihin, mayroong 10,000 benepisyaryo mula sa parehong mga probinsya.
Ayon kay Marcos, layunin ng kanyang pagbisita sa Sultan Kudarat na tiyakin na makakatanggap ang mga benepisyaryo ng tulong na inilaan para sa kanila.





Comments