top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PBBM, binati ang First Lady sa Mother's Day

  • Writer:  BULGAR
    BULGAR
  • May 12, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel @News | May 12, 2024


Inihayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pasasalamat sa kanyang asawa, si First Lady Liza Araneta-Marcos, sa pagdiriwang ng Mother's Day.


“To this dear lady, who not only fills our home with love but stands ready to defend her family at any turn— happy Mother’s Day!” pahayag niya sa social media ngayong Linggo.


“We are incredibly lucky to have you by our side. Your strength and compassion not only safeguard our family but also uplift our entire nation,” dagdag niya.


Sa isa pang post, binati rin ni Marcos ang lahat ng mga ina pati na rin ang mga ama na nagiging ilaw ng kanilang mga tahanan.


“Sa ating mga kahanga-hangang ina, mga single mom, mga tatay na ginagampanan ang papel ng ina, at sa bawat isa na tumatayong ina, nais kong iparating na ang inyong walang sawang pagmamahal at mga sakripisyo ay siyang nagbibigay liwanag sa ating buhay, at nagpapatibay sa ating lipunan,” anang Pangulo.


“Ngayon, ipinagdiriwang natin ang bawat isa sa inyo. Happy Mother’s Day!” dagdag niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page