PBB 2nd Big Placer, kahit support lang… RALPH, P30K ANG TF SA UNANG COMMERCIAL
- BULGAR

- Aug 18
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 18, 2025

Photo: Ralph De Leon - IG
Seryoso ang naging kuwentuhan ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2nd Big Placer na si Ralph De Leon sa vlog ng broadcast journalist at ABS-CBN TV Patrol anchor na si Karen Davila nang mapag-usapan nila ang tungkol sa sakit ng ama ng aktor.
Saad ni Ralph sa naturang vlog nang tanungin ito ni Karen tungkol sa matinding pinagdaanan ng tatay niya, “Opo, nagka-cancer s’ya noon. Actually, sobrang bata ko pa po noon so ‘di ko po s’ya masyadong naaalala. He got cancer stage 4 lymphoma in 2003. Nu’ng time po na ‘yun, nagpapagamot po s’ya sa America, so hindi ko po s’ya nakikita masyado.
“Minsan kung bumisita po kami doon, dinadala po kami ng tita ko or ng lola ko. From time to time din, umuuwi rin po si Mama rito. That was hard kasi nu’ng time po na ‘yun, parang the only way to call America was ‘yung mga card po, eh, ‘yung mga ini-scratch pa po para makuha ‘yung number.
“Not having too much contact with him, being so far away and not really knowing what was going on. Mahirap po talaga. And we’re all very lucky to still have him here. Parang hindi ko po ma-imagine ‘yung buhay ko na wala pong dad.”
Naitanong din ni Karen kung bakit ito nag-artista, dahil sabi raw ng iba ay mayaman na si Ralph at hindi na ito kailangan.
Sagot niya, “For me ‘yung showbiz po talaga, it’s something that I really learn to love. Also, as much as people say na ‘di ko po kailangang magtrabaho, sobrang yaman na ‘yan, pero ako po kasi, ‘di po ako umaasa ru’n, eh. From a very early age, they really taught me the value of working for what you have, of being independent one day.”
Tinanong din ni Karen, “Magkano ang TF (talent fee) mo nu’ng nag-commercial ka?”
Sagot ni Ralph ng may kasamang magandang ngiti ay “As a support? Parang P30,000.”
Dagdag na tanong ni Karen, “Ano ang ginawa mo sa P30,000 mo?”
Sagot ni Ralph, “Inilagay lang po ata sa bangko, eh, opo. Hindi ko po ginastos that time.”
Natanong din ni Karen, “‘Yung una mong break sa showbiz ay Zoomers, magkano ang una mong TF du’n.”
Sagot ni Ralph, “P5,000.”
Dagdag na tanong ni Karen, “P5,000 ‘yun, ‘yung taping? Ano ang ginawa mo sa P5,000 mo?”
Sagot ni Ralph, “Hindi ko po sigurado kung inilibre ko family ko for like a meal or ‘yung mga friends ko po.”
Tinanong din ni Karen, “Matipid ka ba?”
Sagot ni Ralph, “Matipid po ako when it comes to spending, hindi po ako gumagastos masyado.”
Nakakatuwa ang tulad ni Ralph na kahit yayamanin na ay gusto pa ring magtrabaho at bongga pa sa galing sa pag-iimpok ng pera sa bangko. Sana all!
Pak na pak ka d’yan, Ralph.
NAKAKABILIB ang aktres at philanthropist na si Cecille Bravo, kamakailan lang ay pinarangalan siya at sa ikatlong pagkakataon ay natanggap ni Madam Cecille ang Gawad Rosa Rosal Legacy Award.
Ang Gawad Rosa Rosal Legacy Awards ay isa sa pinakamataas na parangal na ipinagkaloob sa mga indibidwal na nabubuhay sa paglilingkod sa kapwa. Ngayon sa ikatlong taon, ipinagdiriwang ng parangal ang mga pambihirang Pilipino na ang mga pamana ay sumasalamin sa dakilang Rosa Rosal.
Ang pagkilalang ito ay higit pa sa mga parangal—iginagalang nito ang isang buhay kung saan ang puso ang nangunguna sa landas. Isang buhay na may kababaang-loob, tahimik na katapangan, at hindi natitinag na habag.
Si Rosa Rosal ay hindi lamang isang screen icon, siya ay isang simbolo ng humanitarian grace.
Kilala bilang “First Lady of Philanthropy”, gumugol siya ng higit sa 60 taon sa paglilingkod bilang isang boluntaryo at gobernador para sa Philippine Red Cross, nag-donate ng dugo ng higit sa 200 beses at nakatayo sa frontline nang hindi mabilang na mga kalamidad, nag-aalok ng tulong kapag ito ay lubhang kailangan, at pag-asa sa mahihirap. Ipinakita niya sa amin na ang tunay na uri ng kagandahan ay kabaitan sa pagkilos.
Hindi na rin nakapagtataka kung maparangalan si Madam Cecille dahil
isa siya sa mga maituturing na pilantropo pagdating sa pag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan tulad na lang ng mga cancer patients sa ilalim ng Best Magazine ni Richard Hiñola, at sa CHILD Haus ni Mother Ricky Reyes.
Hindi lang sa pagtulong sa mga taong nangangailangan magaling si Madam Cecille, mahusay din ito sa akting lalo na sa pelikulang Aking Mga Anak (AMA) bilang si Aling Asaph na mataray at matapang na nagmamay-ari ng paupahan at may mga ampon na pinag-aaral at ang dalawa rito ay sina Klinton Start at Prince Villanueva.
Congratulations, Madam Cecille Bravo.
‘Yun lang and I thank you.








Comments