PBA, rekomendado ng IATF na ituloy sa Clark, Pampanga
ni Gerard Arce - @Sports | August 10, 2021

Tila ang direksyong nais tahakin patungo sa kagustuhang maipagpatuloy ang mga laro ng 46th season ng Philippine Basketball Association (PBA) ay may ibang itinuturong landas – inirerekomenda ng Inter Agency Task Force in Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na mas makabubuting gawin ang Philippine Cup sa mga nasasakupan ng General Community Quarantine o Modified GCQ.
Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque Jr. sa press briefing sa Malacanang na kailangang pumili ng pamunuan ng PBA sa labas ng nasasakupan ng National Capital Region (NCR), na nasa ilalim ngayon ng matinding quarantine restriksyon na Enhance Community Quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang 20, at ng CALABARZON area. “Well kaya nga pipili sila ng lugar sa labas ng Calabarzon. Ang alam ko ang Clark, ang Pampanga naman po ay walang posibilidad na mapasailalim sa ECQ o MECQ, dapat du'n na sila humingi ng permiso sa Clark kay Secretary Vince Dizon,” pahayag ni Roque.
“In fact, I think meron IATF today, meron dalawang na humihingi ng permiso, pero kung MGCQ naman po eh tingin ko wala namang problema,” saad naman ni Dizon.
Nauna ng hiniling ng PBA sa IATF na ipagpatuloy ang mga laro sa Batangas, na kasalukuyang nasa quarantine protocol na General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions.
Ito rin ang mungkahing ipinalabas ng IATF-EID Technical Working Group sa mga posibilidad na maaaring pagdausan ng mga laro ng PBA.“The Philippine Basketball Association (PBA) shall be allowed to resume the 46th season of their Philippine Cup Conference in areas under General Community Quarantine (GCQ) and/or Modified General Community Quarantine (MGCQ) in compliance with the provisions of the Joint Administrative Order (JAO) No. 2021-002 of the Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board and Department of Health, and related issuances are complied with, and with the written concurrence of the local government unit concerned,” ayon sa naturang statement.





Comments