top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg

Pauwi, hinarang... 17 yrs. old kinatay ng 4 na menor-de-edad, todas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 12, 2026



Pauwi, hinarang... 17 yrs. old kinatay ng 4 na menor-de-edad, todas

Photo: File



Patay ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang pagsasaksakin ng apat na menor-de-edad habang pauwi sa kanilang bahay sa Butuan City.


Batay sa report ng Butuan City Police, galing umano ang biktima at mga kaibigan sa panonood ng isang aktibidad sa city hall at habang pauwi na ay hinarang ng isang grupo ng mga kabataan at nagkaroon ng sagutan.


Habang mainit ang komprontasyon, pinagsasaksak umano ito na nagtamo ng maraming tama sa katawan.


Nagawang maisugod ang binatilyo sa Butuan Medical Center subalit dahil sa dami ng tinamong saksak ay binawian ito ng buhay.


Sa ginawang follow-up operations ay naaresto ang apat na menor-de-edad habang patuloy na pinaghahanap ang isa pa.


Inaalam pa ng mga imbestigador ang ugat ng pananaksak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page