top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pautay-utay na "lockdown" naman ang bagong pauso sa NCR!

  • BULGAR
  • Sep 7, 2021
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 07, 2021



IBINABA na sa GCQ ang Metro Manila mula sa MECQ.


Yipee!

◘◘◘


PERO ipatutupad ang granular lockdown.


Bagong diskarte 'yan!


◘◘◘


ANO raw sa Tagalog ang granular lockdown?


Ito ay pautay-utay na pagsasarado ng kalye!


◘◘◘


PUWEDE nang magpagupit at magpaahit ang mga holdaper upang magmukhang sundalo.


Marami na namang mama-"murder" ang mga manikurista!


◘◘◘


HINIHIMOK ng kampo ni VP Leni si Sen. Manny Pacquiao na mag-vice-presidential candidate.


Wala pa itong sagot!


◘◘◘


DINIDIKTAHAN ba ni P-Digong si Sen. Bong Go?

O, si Go ang nagdidikta kay P-Digong?


May nagpapatanong lang!


◘◘◘


PUWEDE na ulit magparehistro sa Comelec.


Matutuwa ang mga patay!


◘◘◘


WALANG bagyo.


Kwidaw, baka supertyphoon kapag may dumating?


◘◘◘


P12 trilyon ang utang ng 'Pinas. Pang-Guinness Book of World Records.

Isang siglo bago ito mababayaran ng ating mga apo at ng kasalukuyang sanggol!


◘◘◘


WALA nang normal na magbabalik.


Abnormal na ang ating mararanasan mula ngayon!


◘◘◘


MAS marami ang gumagaling kaysa sa mga nagkakasakit ng COVID-19.


Bakit itinatago ang ganyang datos?


◘◘◘


KULTURA na ngayon na ilihim sa mamamayan ang mga taong may sintomas ng COVID-19.


Napatunayan kasi “in practice” na gumagaling ang may mild COVID-19!


◘◘◘


PRAKTIKAL at may lohika ang modernong kulturang ito kaysa sa lipas nang protokol na nilalabag nang kaliwa't kanan.


Ganun na nga!


◘◘◘


NAG-collapsed na ang public healthcare system sa Pilipinas.


Dahil ang mga may COVID-19 ay ginagamit “in private” with secrecy!


◘◘◘


INUTIL ang monitoring system ng gobyerno at data gathering scheme kaugnay ng COVID-19.


Ito ay bunga ng kamangmangan at talamak na korupsiyon!


◘◘◘


PANAHON na upang magbalasa ng gobyerno si P-Digong.


Unahin niya ang DOH, DILG, DTI at DoF!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page