top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Paunahan na lang… MGA DAMIT, BAGS AT SHOES NI HEART, FOR SALE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 12
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 12, 2026



Heart Evangelista - IG

Photo: Heart Evangelista - IG



Siguradong blockbuster ang gaganaping ‘Heart’s Closet Party’ ni Heart Evangelista base na rin sa reaction ng mga nakabasa sa kanyang announcement. 


Malapit na ngang umabot sa 100 ang comments since the announcement.

Sabi ni Heart, “I’m having a closet party on April 25-26 and you’re invited. Clothes, bags, and so much more. See you there!”


Nakakatuwa na may mga nagma-mine na kahit wala pa nga ang closet party na binanggit ni Heart. May mga nagsabi nang pupunta sila. May nakiusap na magtira ang unang makakapunta para may mabili pa sa second day. Alam nitong magkakaubusan dahil matagal na itong hinihintay ng mga fans ni Heart.


May mga nag-request na gawing online ang sale ng mga gamit ni Heart para sa fans niya na nasa abroad at hindi physically present. May nangako namang aagahan na lang ang punta para hindi maubusan at may nagtanong kung may item worth P500 below. 

Sinagot siya ng “Yes!” ng team ni Heart, kaya isa siya sa makiki-party at bibili ng preloved stuff ni Heart.





Maganda ang suggestion ng isang fan na magkaroon ng limit per person ang mga bibili para maiwasan ang hoarding at para makabili ang lahat. Sa rami ng mga gustong makabili ng gamit ni Heart, baka first day pa lang ng closet party, soldout na agad.

Gaganapin ang Closet Party ni Heart sa Avire Tower, 27 P. Tuazon Blvd., Project 4, Quezon City, 10:00 AM–5:00 PM.


Isa pang magandang balita ni Heart sa kanyang mga supporters ang malapit na niyang pagbabalik sa acting.


Last Friday, may look test daw siya sa GMA Network para sa gagawing series.

“I have a new show. I’m back to working on TV,” sabi nito na ramdam ang excitement. Pati ang mga fans nito ay excited to watch her acting again on TV.





Knows mo ‘yan, Chie? JAKE, PROUD NA KA-HOLDING HANDS SI RABIYA KAHIT SAAN



IFINLEX ni Rabiya Mateo ang bouquet ng white roses na ipinadala ni Jake Cuenca. 

“Thank you @juancarloscuenca,” ang pasasalamat ni Rabiya. May mga naghanap na magpapalitan ng ‘I love you’ ang dalawa, pero wala silang nabasa.


Alam yata ni Jake na ipo-post ni Rabiya ang bigay niyang flowers kaya hindi muna siya nag-“I love you”. Unless, nasa card ‘yun na kasama sa flowers o puwede rin namang personal niyang sinabi.


Anyway, spotted ang dalawa sa opening ng Pablo Active Wear Store at very sweet sila. Laging magka-holding hands at kahit saan sila magpunta, hindi naputol ang pagho-holding hands. Kaya ang paniwala, hindi na lang sila nasa ‘exclusively dating’ stage gaya ng sinabi ni Jake.


Ini-repost pala ni Rabiya ang ipinost ni Jake sa Instagram (IG) nito na photo nila na magka-holding hands sa nasabing event. 


Well, kita ang saya nila at comment ng mga fans, parang proud si Jake Cuenca na si Rabiya Mateo ang kasama at ka-holding hands ngayon.





ANG suwerte naman ng Kapuso actor na si Anton Vinzon, he’s getting all the help and support para sa launching niyang boxing series na Kamao


Nag-offer si Eman Bacosa Pacquiao na tutulong sa boxing training ni Anton para pulido ang mga kilos at suntok niya bilang boksingero at siguro naman, tatanggapin ng young actor ang offer.


Lalo pang natuwa si Anton nang mapanood ang video greetings ni Manny Pacquiao for his new project. Nag-good luck si Manny sa young actor, na sa laki ng tuwa, ang ngiti, legit na legit.


“Sobra akong kinilig sa video greetings ni Sir Manny. Grabe! Isa sa king sa boxing at boksingero of all time ang nakapansin sa akin. Thank you sa video greetings. Sana, makuha ko ang boxing style n’ya. Sana, maturuan ako ng isang Manny Pacquiao. Sana, mag-guest si Sir Manny sa Kamao,” sabi ni Anton.


Anyway, dapat kasama si Anton sa cast ng The Master Cutter (TMC) ni Dingdong Dantes na kung natuloy siya, supporting ang kanyang role. 


Dito sa Kamao, ilo-launch siya bilang isa sa young leading men ng GMA at kapag nag-hit, tuluy-tuloy na ang kanyang pagbibida.


Magagaling na artista rin naman ang kasama ni Anton sa kanyang launching project gaya nina Amy Austria, Wendell Ramos, Katrina Halili, at Neil Ryan Sese.

Kasama rin sa cast si Bruce Roeland at ang amang si Roi Vinzon na ang sabi, hindi mag-ama ang role nila, kundi mag-lolo. 


Sa direction ni LA Madridejos, malapit nang manuntok ang Kamao sa afternoon prime.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page