Patung-patong na kaso vs. 18 Maleta Boys, Atty. Baligod, aprub sa DOJ
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni BRT @News | July 29, 2026

Photo: File
Aprubado na ng Department of Justice (DOJ), sa pamamagitan ng Office of the Prosecutor General, ang pagsasampa ng patung-patong na kaso laban kina Atty. Levito Baligod at sa tinaguriang “18 Maleta Boys.”
Kabilang sa mga isasampang reklamo laban sa “18 Maleta Boys” ang six counts ng cyber libel at four counts ng perjury.
Samantala, kasama naman si Atty. Baligod bilang co-accused sa ilang kaso at haharap din sa hiwalay na count ng cyber libel.
Nag-ugat ang mga nasabing kaso mula sa mga reklamong may kaugnayan sa kanilang joint sworn statement, mga pahayag sa press conference at interview, social media posts, at iba pang online publications.





Comments