top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Patung-patong ang kaso sa rambulan sa bar… AWRA, TODO-PALAG NA, MGA PULIS, NILAIT AT PINAGMUMURA PA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | July 6, 2023



Mukhang madidiin nang husto si Awra Briguela ngayong naglabas na ang mga pulis ng bersiyon ng kanilang kuwento sa naganap na rambulan at pagkaaresto sa aktor-host.


Alarm and scandal and resisting arrest ang ilan sa mga kasong isinampa laban kay Awra, bukod pa sa physical injuries na isinampa rin ng ilang private complainants.


Yes, meron din palang mga private complainants na nagsampa na rin ng kaso matapos nilang madamay at masaktan sa ginawang pagwawala ni Awra.


Nahusgahan nang todo ang hanay ng mga kapulisan sa Makati na nagresponde lamang sa naganap na insidente sa isang bar.


Mga concerned citizens daw ang tumawag sa mga pulis dahil umabot na nga sa kalsada ang rambulan.


At lalo raw itong na-magnify dahil imbes na sumama nang matino at maayos si Awra, gaya ng ibang mga nahuli nilang suspek sa gulo, “Puro pagpalag, pagmumura at pag-alipusta sa amin ang ginawa niya,” kuwento pa ng mga pulis.


Kahit nga raw ang mga kasamang kaibigan ni Awra ay hindi na pinapakinggan nito at may mga ibang galing pa sa bar, bukod sa dalawang magkalabang grupo na nadamay at idinamay ni Awra.


Aguy, uy!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page