Patron daw ng mga mabilis maka-move on… CRISTINE, ABOGADO ANG IPINALIT KAY MARCO
- BULGAR

- Jul 14, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 14, 2025
Image: Cristine Reyes - IG
Binigyan ng mga netizens ng title si Cristine Reyes dahil sa balitang may bago siyang boyfriend. Ang aktres daw ang ‘Patron Saint ng Babaeng Mabilis Makapag-Move On’.
Kamakailan lang daw nabalita ang breakup nila ni Marco Gumabao, heto at pumapag-ibig na uli siya.
Hindi negative kay Cristine ang nagbigay ng title, pinuri nga siya sa bilis makapag-move on at pinuri rin na tahimik ang breakup nila ni Marco. Walang nagsalita sa kanila, walang cryptic post, basta idinelete na lang ang photos nila sa kani-kanyang Instagram (IG).
Hanggang ngayon nga, silang dalawa lang at mga close sa kanila ang nakakaalam kung bakit sila naghiwalay.
Marami rin ang nagtanggol kay Cristine, wala raw masama kung mabilis siyang naka-move on at may kapalit na si Marco. Bakit daw patatagalin pa ang pagiging heartbroken kung may darating naman na bagong pag-ibig?
Ang bagong pag-ibig ni Cristine ay si Atty. Gio Tingson, graduate raw sa Ateneo Law School, smart, good person, and educated. Ang tsika pa, matagal nang nanliligaw si Gio kay Cristine bago pa nag-asawa ang aktres.
Hanggang dumating si Marco sa buhay ni Cristine at parang nawalan ng chance ang abogado na balikan siya.
This time, tila hindi na papayag si Atty. Gio na maunahan na naman siya.
Wala pang kumpirmasyon sina Cristine at Gio kung sila na. Nauna na silang in-out ng friend ni Gio na si Raffy Magno sa pagpo-post ng photo nina Cristine at Gio with another couple.
Ang caption ni Raffy ay “With the newest addition to our small family. Ako na lang ang walang dyowa, jusko!”
Sa IG ni Gio, ipinost nito ang photos nila ni Cristine nang pumunta sila sa Vietnam at may 3 solo pictures ng aktres na nag-e-enjoy at may photos na silang dalawa lang.
Tama ang mga netizens, they look good together.
HINDI na mabilang ni Dingdong Dantes kung naka-ilang block screenings at special screenings na ang movie nila ni Ms. Charo Santos-Concio na Only We Know (OWK). Tinanong namin ito kung pang-ilang block screening na ng movie ni Direk Irene Villamor ang bigay ng mWell, ang first fully integrated health and wellness app.
“Hindi ko na mabilang sa dami. May special screening pa sa ibang bansa,” sagot ni Dingdong.
Nagpasalamat naman si Charo sa mga um-attend ng block screening.
Aniya, “I hope that you will also enjoy the movie, just as much as we had a wonderful time filming it.”
Ang ganda ng kuwento ng OWK tungkol sa friendship at kung paano nakatulong ang friendship nina Betty (Charo) at Ryan (Dingdong) sa pinagdaraanan nilang problema.
Bitin lang kami sa ending, gusto sana naming malaman kung saan pa pupunta ang special friendship nina Betty at Ryan na kahit may age gap, masaya sa kanilang relasyon. Saka, kung ano ang mangyayari kay Betty na may big health problem.
Sa nasabing special block screening, binigyan sina Dingdong at Charo ng mWell watches ni Gary Dujali, executive ng kumpanya.
Bago dumating sina Charo at Dingdong, binanggit ni Gary ang benefit ng pagkakaroon ng mWell watch.
Hindi lang sa tikiman palaban…
RHIAN, GAME MAG-ALL THE WAY
MARAMI sigurong kissing scenes sina Rhian Ramos at JC Santos sa movie nilang Meg & Ryan (M&R), dahil nang tanungin ang aktres kung ilan ang kissing scene nila, “Hindi ko alam,” ang sagot nito.
Ano ‘yun, hindi nila nabilang?
Ayon pa kay Rhian, ang story ng movie ni Direk Catherine O. Camarillo ay tungkol sa dalawang tao na opposite ang karakter.
Esplika niya, “Si Ryan (JC) ay virgin pa rito at si Meg (Rhian) ay hindi iniingatan ang sarili. She’s young and wild, kaya alam n’yo na kung ano’ng klaseng kissing scene ang ginawa nila.”
Sa trailer, passionate nga ang first kissing scene yata ‘yun nina Rhian at JC at kung panonoorin ang pelikula na showing sa August 6, malalaman kung ilang kissing scenes ang ginawa nila. Malalaman din kung pare-parehong passionate ang kissing scenes ng dalawa.
Nabanggit din ni Rhian na kahit siya, kinilig sa mga eksena nila ni JC nu’ng ine-explain pa lang sa kanya ni Direk Catherine ang mga gagawin.
“Kaya nasabi ko during shooting na ‘I want to give everything for this movie. Lahat ibibigay ko kahit maghubad pa ako,’” sabi ni Rhian.
Hindi na nga lang umabot sa paghuhubad ni Rhian dahil ibinigay niya at ni JC ang kanilang best to make a beautiful rom-com movie.
Kaya panoorin ang M&R kapag showing na sa mga sinehan at ‘wag hintayin sa streaming, matagal pa ‘yun.










Comments