top of page
Search
  • BULGAR

PATRICIA, INUUMAGA SA GIMIKAN, OKS LANG SA MISTER NA FOREIGNER

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 22, 2024



Kung si KC Concepcion ay hindi pa pinapalad na tumagal ang pakikipagrelasyon sa mga naging foreigner boyfriends niya, tipong mas masuwerte ang itinanghal na Ms. Noble Queen of 2019-singer-cum actress na si Patricia Javier sa piling ng kanyang napangasawang foreigner na si Doc Rob Walcher, isang chiropractic doctor. 


May isang dekada na silang nagsasama at biniyayaan ng dalawang anak na lalaki na tipong mga artistahin din na tulad ng kanilang mommy dearest.


Kamakailan lamang ay isinelebreyt nina Patricia at Doc Rob ang isang dekada nilang pagsasama at isang dekada na rin ng pagiging chiropractic doctor dito sa 'Pinas ni Doc Rob, na tipong marunong at nakakaintindi na ng salitang Tagalog.


And take note, may limang branches na rito sa 'Pinas ang clinic ni Doc Rob like in Quezon City (sa Tomas Morato), Makati (sa San Lorenzo Village), Alabang (sa Westgate Filinvest Muntinlupa), Cavite (Aguinaldo Highway, Bacoor) at sa Pampanga (Barangay Pulung Maragul, Angeles City).


Tinanong ni yours truly si Patricia kung how is it being married to a foreigner like Doc Rob at ang nakangiti niyang sagot ay… "Alam n'yo po, being married to a foreigner gaya ni Doc Rob ay para po tayong nasa roller (coaster), paganu'n-ganu'n (sabay muwestra), hahaha! Well, I think hindi naman po sa lahi ang mapapangasawa natin kasi wala naman pong perfect na dapat iisyu.


"Pero po with Doc Rob, dahil nga foreigner siya, the way kami magmahalan, we give and take. Aahhh, 'yung asawa ko po, very understanding 'coz nakakalabas po ako ng bahay, umuuwi ako ng bahay na... hindi ko iniisip na magagalit 'yung asawa ko dahil lumabas ako, ginabi o inuumaga ako sa labas and then pag-uwi ko sa bahay, sasabihin niya, 'Okay, if you had much fun, enjoy' at hindi nagtatanong na 'Sino'ng kasama mo at saan ka nagpunta?'


Walang ganu'n.


"We're living together as mag-asawa for 19 years na, 19 years of marriage. In general po talaga, si Doc Rob po ay napakamabait na tao. Ang hirap lang dito sa asawa ko, lahat, inaampon. Lahat ng makita niyang hayop sa lansangan, mga pusa, mga aso. Dati, isa lang ang pusa sa bahay namin, ngayon, lima na, hahaha! At magaling siyang mag-alaga, lahat, malalaki na ngayon at malulusog, hahaha!


"Gusto ko lang pong ikuwento na ang asawa ko, si Doc Rob ay mapagmahal na tao," pagtatapos na pahayag ni Patricia tungkol sa napangasawa niyang foreigner.


Well, wish lang namin ay makatagpo rin si KC Concepcion ng mapapangasawang foreigner na mapagmahal at maging sa mga hayop din na tulad ni Doc Rob Walcher, boom, ganern!


Sa nasabing isang dekadang celebration bilang mag-asawa nina Patricia at Doc Rob ay dumating rin ang kanilang dalawang friendships na sina Ara Mina at Malu Barry.


Speaking of Malu Barry, ang latest sa kanya ay cancer free na ito sa kanyang cervical cancer. 


Wow, praise God Lord Jesus Christ in her life!


"Hinarap ko kasi ang pagsubok. Hindi ako natakot sa chemo therapy na sabi ay nakakakalbo raw. 


"Awa ng Diyos, hindi naman. Eto, makapal pa rin ang buhok ko. Thank you kay Lord God Jesus Christ at pinagaling niya ako. Yes, God is good all the time," sabi niya kina Jobert Sucaldito at Direk Chaps Manansala sa OOTD Vblog ng dalawa sa You Tube channel.


And this coming May 15, 2024, muli siyang magko-concert sa Music Box powered by The Library para muling iparinig sa inyo ang kanyang singing performance as Fiery Soul Torch Queen Diva. 


And take note, for sure ay isa rin sa mga guest performers niya si Patricia Javier na ang turingan nila ay tipong magkapatid at kapamilya na, sa true lang.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page