top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Patong Patong papalagan si Spandau Ballet

BULGAR
Mar 20, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 20, 2022


Magsasanib puwersa sina Batang Cabrera at Patong Patong upang mapasakanila ang korona sa 2022 PHILRACOM "Classic Cup" Race Division II na ilalarga ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Sisikapin nina Batang Cabrera at Patong Patong na makuha ang panalo upang ibulsa ang tumataginting na P450,000 na premyo ng unang kabayong tatawid sa meta.

Pero inaasahang mapapalaban sina Batang Cabrera at Patong Patong dahil mga tigasing kabayo ang kanilang makakalaban kung saan kasali si Spandau Ballet na sasakyan ni Pabs Cabalejo.


Rerendahan nina AM Tancioco at RC Baldonido sina Batang Cabrera at Patong Patong ayon sa pagkakasunod, ang ibang kasali sa karera na may P750,000 guaranteed prize ay sina Magtotobetsky, Flaterring You at Tocque Bell na gagabayan ni Jonathan Hernandez. "Para sa akin sila Batang Cabrera at Patong Patong ang mananalo, mga paborito ko sila at palagi ko tinatayaan," saad ni Johnny Manzano, veteran karerista.


Maliban sa nasabing karera, tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan nina Boss Emong at Super Swerte sa PHILRACOM Classic Cup.


Makakalaban nina Boss Emong at Super Swerte sina Isla Puting Bato, Pangalusian Island, War Cannon at Shining Vic. Ang nasabing mga karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1. Speak Easy/Old Timer (4/4A), Oktubre Katorse (3), Little Ms. Saturday (7)

Race 2. Kid Baloloy/Toy For The Bigboy (3/3A), Hookbung Dagat (6), Big Lagoon/Fortissimo (4/4A)

Race 3. Yabba Dabba Doo (2), El Lider Maximo (10), Galing Sa Mabait (9)

Race 4. Batang Cabrera/Patong Patong (2/2A), Spandau Ballet (1),

Race 5. Shadow Of The Sun (1), Great Britain (7)

Race 6. Pilya/Kailuphia (4/4A), Heritage (3), Action Rules (1)

Race 7. Super Swerte (3), Boss Emong (6),

Race 8. Mabalor (9), Gensan Special (10), Suzie Cat (8)

Race 9. Big Hook (9), Arrows Up (1), Bonifacio (2)

Race 10. Iron Hook (4), Save By Hope/Heirloom (5/5A), Chase The Gold (10)

Race 11. Cherubim (13), Sinag (1), Juliana's Gold (8)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page