top of page

Pati si Tom… LOLIT, NABANGGIT SI CARLA SA POST BAGO MAMATAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 5, 2025



Photo: Carla at Tom


Noong mga nakaraang post ni Doña Lolit Solis ay hindi ko na magawang isulat dahil nararamdaman ko na nahihirapan na siya at mabigat na ibalita ang bawat sakit na nangyayari sa mahal kong kaibigan.


Ang simpleng dahilan lang ng pagbabalita ko kay Doña Lolit ay paalala sa mga taong kaibigan niya na huwag siyang pabayaan sa mga pangangailangan niya, lalo na kapag nasa hospital siya. Hindi ko malilimutang isulat ang mga pagpapasalamat ni Lolit sa mga doctor at sa lahat ng tumulong sa kanya, lalo na si Senator Bong Revilla, Jr..

Ito ang huling post sa Instagram (IG) na ibinahagi ng aming namayapang kaibigan na si Doña Lolit Solis…


“Salve, sobra akong grateful talaga sa pagdalaw n’yo sa akin sa hospital. Talagang hindi ko akalain at my age, du’n pa ako mako-confined at magkakasakit.


“Nagkaroon nga tuloy ako ng anxiety attack dahil hindi ko akalain na at my age, mahihiga ako sa hospital bed.


“Tuwang-tuwa ako talaga nang dumaan ang grupo nila Jun Lalin, Ian Fariñas, Gie Trillana, Anna Pingol, Randolf at Salve para tingnan ang kalagayan ko. So grateful for my friends na talagang tiningnan ang kalagayan ko.


“Medyo hindi ako talaga sanay sa hospital scenario kaya culture shock para sa akin ang mga nangyayari.


“Everytime I wake up in the morning, shock ako na nasa ibang kuwarto ako. Kaya nga minsan gulat ako paggising. Kaya tuloy parang at a lost ako tuwing gigising. ‘Pag umaga, parang hinahanap ko ‘yung magulong kuwarto ko. Ewan ko ba, basta I feel everything happening is new to me.


“‘Kaloka dahil talagang nagtataka ako na now ako nagkaganito. I feel like crying pero wala na akong magagawa #classiclolita.”


Ito naman ang karugtong ng huling post ni Doña Lolit, “Buti na lang at ang babait ng mga doctors ko, Dr. Florante Muñoz, Dra. Linga, Dr. Mora at Dra. Nema Evangelista, talagang inalagaan nila ako at hindi iniwan.


“Ang hirap pala ng maysakit. Hopeless, helpless, weak ka. Para bang hindi mo alam where and what to do. I feel it was already late for me para magkaroon ng ganitong episode sa buhay.


“Pero alam mo naman si GOD, alam n’ya when or where ibibigay sa ‘yo ang mga bagay. So grateful na ngayon older na ako nangyari ito.


“Meron na ako ng pasensya at wisdom na tanggapin mga bagay. I feel sad, weak, but hopeful. Wishing na sana gumaling ako agad at maging active uli. I love life. I love my works. I love my friends. I live life like everybody else. But if being sick is a sacrifice I have to experience, it was an eye opener for me.


“Like going thru the medical procedures, mga ginagawa sa ‘yo sa hospital, lahat new sa akin. Pero in all gratitude, SALAMAT sa staffs ng FEU Hospital dahil napaka-caring nila, talagang spoiled patient ang feeling ko.


Hindi ako nagsisi na nagpaalaga sa FEU Hospital. I feel very special dahil sa alaga ng staffs lalo na ng mga doctors. 


“Kaya nga tiyak ako na gagaling agad ako. Para lang ako nagbakasyon, sleep over ng ilang araw. Pero ganu’n pala ang feeling nang nasa hospital.


“Minsan nga gusto ko umiyak dahil sa self-pity. Pero talaga sigurong ganoon ang buhay, dumarating mga bagay sa oras ng hindi mo alam.


“Kaya nga natawa ako nang mabasa ko issue ng PRIME water na sangkot mga VILLAR. At this point na dapat mas bigyan-pansin ni Carla Abellana ang mas ibang malaking bagay, heto at

tubig ang mas binibigyan niya ng importansiya.


“Mas mabigat pa ang tubig kesa lagay ng puso niya kay Tom Rodriguez. Hitsurang mag-asawa o magkaroon ng anak, ‘prime water’ ang concern ni Carla. Dahil s’yempre, prime si Tom, bagay sa issue ni Carla. Hahaha!”


Ito na ang huling post ng aming kaibigan sa IG.

God bless you, Lolit. Rest in peace, Doña Lolit naming mahal.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page