top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 5, 2025



Photo: Carla at Tom


Noong mga nakaraang post ni Doña Lolit Solis ay hindi ko na magawang isulat dahil nararamdaman ko na nahihirapan na siya at mabigat na ibalita ang bawat sakit na nangyayari sa mahal kong kaibigan.


Ang simpleng dahilan lang ng pagbabalita ko kay Doña Lolit ay paalala sa mga taong kaibigan niya na huwag siyang pabayaan sa mga pangangailangan niya, lalo na kapag nasa hospital siya. Hindi ko malilimutang isulat ang mga pagpapasalamat ni Lolit sa mga doctor at sa lahat ng tumulong sa kanya, lalo na si Senator Bong Revilla, Jr..

Ito ang huling post sa Instagram (IG) na ibinahagi ng aming namayapang kaibigan na si Doña Lolit Solis…


“Salve, sobra akong grateful talaga sa pagdalaw n’yo sa akin sa hospital. Talagang hindi ko akalain at my age, du’n pa ako mako-confined at magkakasakit.


“Nagkaroon nga tuloy ako ng anxiety attack dahil hindi ko akalain na at my age, mahihiga ako sa hospital bed.


“Tuwang-tuwa ako talaga nang dumaan ang grupo nila Jun Lalin, Ian Fariñas, Gie Trillana, Anna Pingol, Randolf at Salve para tingnan ang kalagayan ko. So grateful for my friends na talagang tiningnan ang kalagayan ko.


“Medyo hindi ako talaga sanay sa hospital scenario kaya culture shock para sa akin ang mga nangyayari.


“Everytime I wake up in the morning, shock ako na nasa ibang kuwarto ako. Kaya nga minsan gulat ako paggising. Kaya tuloy parang at a lost ako tuwing gigising. ‘Pag umaga, parang hinahanap ko ‘yung magulong kuwarto ko. Ewan ko ba, basta I feel everything happening is new to me.


“‘Kaloka dahil talagang nagtataka ako na now ako nagkaganito. I feel like crying pero wala na akong magagawa #classiclolita.”


Ito naman ang karugtong ng huling post ni Doña Lolit, “Buti na lang at ang babait ng mga doctors ko, Dr. Florante Muñoz, Dra. Linga, Dr. Mora at Dra. Nema Evangelista, talagang inalagaan nila ako at hindi iniwan.


“Ang hirap pala ng maysakit. Hopeless, helpless, weak ka. Para bang hindi mo alam where and what to do. I feel it was already late for me para magkaroon ng ganitong episode sa buhay.


“Pero alam mo naman si GOD, alam n’ya when or where ibibigay sa ‘yo ang mga bagay. So grateful na ngayon older na ako nangyari ito.


“Meron na ako ng pasensya at wisdom na tanggapin mga bagay. I feel sad, weak, but hopeful. Wishing na sana gumaling ako agad at maging active uli. I love life. I love my works. I love my friends. I live life like everybody else. But if being sick is a sacrifice I have to experience, it was an eye opener for me.


“Like going thru the medical procedures, mga ginagawa sa ‘yo sa hospital, lahat new sa akin. Pero in all gratitude, SALAMAT sa staffs ng FEU Hospital dahil napaka-caring nila, talagang spoiled patient ang feeling ko.


Hindi ako nagsisi na nagpaalaga sa FEU Hospital. I feel very special dahil sa alaga ng staffs lalo na ng mga doctors. 


“Kaya nga tiyak ako na gagaling agad ako. Para lang ako nagbakasyon, sleep over ng ilang araw. Pero ganu’n pala ang feeling nang nasa hospital.


“Minsan nga gusto ko umiyak dahil sa self-pity. Pero talaga sigurong ganoon ang buhay, dumarating mga bagay sa oras ng hindi mo alam.


“Kaya nga natawa ako nang mabasa ko issue ng PRIME water na sangkot mga VILLAR. At this point na dapat mas bigyan-pansin ni Carla Abellana ang mas ibang malaking bagay, heto at

tubig ang mas binibigyan niya ng importansiya.


“Mas mabigat pa ang tubig kesa lagay ng puso niya kay Tom Rodriguez. Hitsurang mag-asawa o magkaroon ng anak, ‘prime water’ ang concern ni Carla. Dahil s’yempre, prime si Tom, bagay sa issue ni Carla. Hahaha!”


Ito na ang huling post ng aming kaibigan sa IG.

God bless you, Lolit. Rest in peace, Doña Lolit naming mahal.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 28, 20255



Photo: Bong Revilla - IG

 

Mabilis mang natanggap ni Sen. Bong Revilla, Jr. na hindi siya nakapasok sa Top 12 senators nitong nakaraang midterm elections at ngayon ay ine-enjoy ang kanyang oras sa pamilya, especially sa mga apo, ang kanyang manager na si Manay Lolit Solis ang mukhang hindi pa rin ma-take na nalaglag si Sen. Bong sa mga nanalong senador, gayung lagi nga namang pasok sa mga nagdaang survey ang kanyang alaga.


Kaya sa latest Instagram post ni Manay Lolit, may bago itong hanash at hugot sa naging kapalaran ni Sen. Bong at kung bakit ito nalaglag sa Top 12.


Panimula ni Manay Lolit (as is), “Salve nagtagumpay ang mga trolls ni Bong Revilla. Dahil sa takot nila sa mga balita nuon na baka may kumuha kay Bong para mag run na Vice President kaya ginawa nila ang lahat para siraan ito.


“Okey lang dahil baka naman hindi natin alam mag boomerang ang paninira nila at maging mas maganda pa ang resulta para sa political career ni Bong. Lahat naman ng bagay na nangyayari sa atin meron katapat na binibigay ang nasa Itaas.


“Dahil winner naman sila Lani Mercado at Jolo Revilla baka kaya pinahinga muna sandali si Bong.”


Hirit pa ni Manay Lolit, na mukhang kumbinsido naman sa ibang pumasok sa Top 12 bukod sa isang senador na feeling siguro niya ay mas dapat ngang napunta ang puwesto kay Sen. Bong, “Hindi dapat malungkot si Bong dahil maganda naman ang line up ng mga winners except for one na talagang up to now hindi ko makita ang kasagutan paano nakalusot.


“Well dahil lahat ng nanalo talagang capable sana nga makasabay siya sa mga ito. Kung titignan mo nga ang line up para siyang sore thumb among them. But it was the choice of the people, so be it. Tapos na election. Isang araw lang ito sa buhay natin kaya naman move on narin tayo.”


At dahil hindi na nga natin mababago pa ang resulta ng eleksiyon, ayon sa talent manager-veteran columnist-TV host, “Idasal na lang natin na makatulong ang lahat ng ibinoto natin para mas gumanda pa ang buhay natin. Mas lalo pang tumatag ang Pilipinas. Mas lalo pa tayong umasenso.


“So to all the winners, help our President Bongbong Marcos in running our country para lalo pang sumaya mga Pilipino. Para mas lalong Bongga #classiclolita

Hmmm… Knowing kung gaano kaprangka si Manay Lolit, sino kaya ang senador na ‘di niya pinangalanan na feeling niya ay ‘di deserving sa pagkapanalo nito?



Mas magiging exciting at maningning ang idaraos na 8th The EDDYS o Entertainment Editors' Choice ng The EDDYS ngayong taon mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na gaganapin sa Hulyo, 2025.


Ang annual event na ito, na mula sa samahan ng mga entertainment editors ng mga leading broadsheets, top tabloid newspapers at online portals sa Pilipinas, ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula, artista at iba pang personalidad na itinuturing na pinakamagagaling sa Philippine Cinema.


Magbibigay ang SPEEd ng 14 acting at technical awards para sa 8th The EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.


Bukod sa pagkilala sa mga natatanging pelikula nitong nagdaang taon, magiging highlight din ng pinakaaabangang awards night ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry.


Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon, dedikasyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.


Ang ilan pa sa mga special awards na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay-inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).


Bukod dito, kikilalanin din sa gabi ng parangal ang Rising Producer of the Year at Producer of the Year.


Muli ring pararangalan ng SPEEd ang mga naging bahagi at lumaban para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon nito – ang The EDDYS Box Office Heroes.


Dito, bibigyang-pugay ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.


Major presenter naman ang Playtime PH sa pakikipagtulungan ng GLOBE at UNILAB. Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.


Abangan ang iba pang mga detalye tungkol sa inaabangan nang 8th The EDDYS mula sa SPEEd ngayong darating na Hulyo.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 29, 2024



ree

After Bea Alonzo na nakabati na niya, mukhang may bagong makakatikim ng pagtataray ng talent manager na si Manay Lolit Solis. 


Ito ay kapag hindi naayos ng Kapuso star na si Kyline Alcantara at hindi niya nalinis ang sarili sa isyung sinisiraan daw niya ang isa sa mga alaga ni Manay Lolit na si Paolo Contis.


Sa mahabang IG post kahapon ng talent manager, obyus na gigil much siya kay Kyline. 


Ani Manay Lolit (published as is), "Salve uminit ulo ko ng marinig iyon tsismis na isinasali ang pangalan ni Paolo Contis sa break up nila Mavy at Kyline. Dahil daw sa bad influence ni Paolo kaya nakipag break up si Kyline kay Mavy. 


"Wow ha, talagang dapat masali ang ibang tao pag nagbi break kayo? I have zero respect for people na nagba bad mouth sa mga naka relasyon nila after a break up.


Dapat pag hiwalay kayo, no bad blood. Tanggapin mo at mag move on ka," panimula ng IG post niya. 


Ikinumpara pa ni Manay Lolit si Kyline sa naging issue nila noon ng alagang si Gabby Concepcion.


"Lagi ko ina appreciate na after a long time ng manager/ talent relationship namin ni Gabby Concepcion wala kang narinig na sinabi niyang masama o pintas sa akin. In the same way na hindi rin ako nagsalita ng bad things about Gabby. Na maintain namin iyon respeto namin sa bawat isa. For that I am very grateful. 


"Kaya shock ako na sa break up nila Kyline at Mavy may mga kadamay na pangalan na binabanggit. I don’t want to have a fight with Kyline, but I am giving her a warning na kung tutoo ang mga narinig ko na sinasabi niya about Paolo Contis she will never hear the end of it from me. 


"Kung mali ang alaga ko tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero pag siniraan mo sila ng walang basehan, mag ingat ka dahil hindi kita uurungan," mariing sabi ni Manay.


Dagdag pa niya, kapag hindi tumigil si Kyline, ipaglalaban na niya si Paolo bilang manager.


"So be careful Kyline Alcantara, huwag mo idamay si Paolo Contis sa mga hanash mo kay Mavy Legazpi. Kung may problema kayo, i settle nyong dalawa at huwag magdamay ng ibang tao. Or else, I will do my part as Paolo Contis manager/ nanay para ipagtanggol siya sa mga maling bintang sa kanya. "Maging fair tayo sa mga bagay na dapat mangyari.


Walang siraan sa mga taong inosente. Salve at Gorgy, iyan ang stand ko, bongga di bah👍#classiclolita," pagtatapos ni Manay Lolit Solis.


'Yun na! Wait na lang natin ang magiging sagot ni Kyline sa mataray na post na ito ng talent manager ni Paolo Contis.



Kaya ‘di na nag-asawa uli…

WILLIE, AYAW MAHATI SA BABAE ANG KAYAMANAN PARA SA MGA ANAK

 

ree


Bukod sa mga kaibigan, hindi nakalimot ang mga anak ni Willie Revillame na batiin siya at samahan sa kanyang 63rd birthday nu'ng January 27.Kaya kahit hindi pa nakakabalik sa TV si Kuya Wil, for sure ay super happy na rin naman ito na marami silang bonding time ngayon ng mga anak, although abala rin siya sa kanyang mga negosyo.


Marami naman ang nagtataka at nagtatanong kung bakit hindi na nag-asawa uli si Kuya Wil gayung kayang-kaya naman nito kung gugustuhin lang niya.


Well, ayon sa isang malapit kay Kuya Wil, may mga panahong nalulungkot din at naghahanap ng partner ang TV host. Pero kung mag-aasawa nga uli si Kuya Wil, baka may makahati pa sa mamanahin ang kanyang mga anak.


Oo nga naman. Ang mahalaga naman ngayon, happy si Kuya Wil kung anumang meron siya at marami pa rin ang nagmamahal at nagdarasal para sa kanya.


Belated Happy Birthday, Kuya Wil!

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page