top of page
Search
  • BULGAR

Pati raw tuloy si P-Digong, atras na rin… SHARON, INAAYAWAN NG FANS SA KADEDEPENSA KAY SEN. KIKO

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 6, 2020



Sad for sure ang mga fans and supporters ni Kris Aquino sa muling pagkaudlot ng inaabangang pagbabalik niya sa telebisyon on August 15 para sa bago niyang show sa TV5 na Love Life with Kris.


Buti pa si Megastar Sharon Cuneta, nag-start na pala ang kanyang digital network na The Sharon Cuneta Network sa YouTube last Tuesday night.


Sa unang episode ng kanyang still untitled show ay pinamagatan niya itong, "In the time of Covid-19, let's remember to be safe and be kind."


Pinag-iisipan pa raw ni Mega kung ang The Sharon Show ang gagamiting titulo for her show sa TSCN.


Binasa ni Mega ang latest study sa galawan ng covid-19 cases sa bansa. May pag-aaral daw kasi na 160K ang covid-19 patients at wala na raw ospital ang makakatanggap ng pasyente na magkakasakit pa dahil sa virus na 'to.


"The infection rate of covid-19 now is 3 to 9, higher than it was four months ago. And therefore, we all need three to nine times more careful. Hindi lang po humihina o nawawala 'yung covid virus kundi lumalakas pa po siya," pag-aanalisa ni Mega.


Nabanggit din niya ang halaga ng pananalangin sa Diyos sa panahong ito.


"This is something we cannot fight as human beings. And just to give us a little hope also, our God is bigger than this virus," sabi ni Mega.


Umaasa rin daw siya na madi-discover na ng mga doctors and scientists ang vaccine kontra sa Corona virus.


Naniniwala rin siya na hindi sa COVID matatapos ang human race, at may dahilan ang Diyos kung bakit hinayaan ang pagsulpot ng virus na ito sa mundo.


"So that we may focus on more important things in our life. Maybe technology has become so far advanced that we have gotten used in looking down, instead of up and to the people we love," esplika pa niya.


Todo-pasalamat naman si Shawie sa mga Sharonians na tumutok sa kanyang first episode.


"Praying for my Sharonians and every one of you that you all stay safe and healthy. We will get through this and I ask you to please remember to be kind. Now, more than ever, kindness and love in the world is what we need the most," caption ni Mega sa kanyang video on her socmed accounts.


Maraming positive comments ang na-post sa vlog na 'to ni Sharon. 'Yung iba, binati pa si Mega for her new dignet (digital network).


Kaya lang, may mga not-so-nice comments din tulad ng, "Eh! Kung ganyan ka ba naman lagi, Shawie, eh, marami pang matutuwa sa 'yo. Hindi 'yung idedepensa mo lagi 'yung asawa mong napakaguwapo, na puro kontra sa magandang ginagawa ng ating gobyerno.

Nagdalawang-isip tuloy si Tatay Digong sa 'yo, at saka, sayang ang ganda mo pa kaysa kay Frankie!!!"


May isang nag-comment naman kung saan tinawag si Sharon as the "Lord of Rolex."

'Kalurky talaga ang mga netizens. Hay!

1 comment

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page