top of page

Pati pamilya ng aktor, nadale lahat… RITA AT KEN, PAREHONG NAGKA-COVID

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 22, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | June 22, 2021




Inamin na rin pala nina Ken Chan at Rita Daniela sa All-Out Sundays last Sunday na pareho silang tinamaan ng COVID-19.


Dahil inamin na nila, puwede na ring sabihin na ang kanilang pagkakasakit ang isa sa mga rason kung bakit natigil ang taping ng Ang Dalawang Ikaw. Iyon din ang rason kung bakit naurong ang premiere nito dahil kinailangan nilang magpagaling.


Sabi ni Ken, “Ito na siguro ang pinakamabigat na naranasan ko sa buong buhay ko dahil hindi lamang po ako ‘yung tinamaan at nagkaroon ng virus, ‘yung buong pamilya ko. Lahat kami sa bahay, nagkaroon ng COVID. Wala kang choice kung hindi harapin ito nang buong tapang. Sa kabila ng mga nangyari, nagsilbi itong aral sa aming lahat na ‘yung pag-iingat, kahit gaano siya kahirap, kailangan mong pagtuunan ng pansin.”


Ayon naman kay Rita, nakatulong ang dasal para magkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang pagkakaroon ng COVID.


“Of course, natakot ako. ‘Di ba, when you watch the news, you see numbers? Then it becomes the people that you know. Then one day, ikaw, meron ka na rin. Mahirap siyang tanggapin when you do everything to take care of yourself pero dinapuan ka pa rin.


“COVID is real. Si God lang talaga (ang) puwede mong kapitan. I prayed hard for myself and my family. Every morning I was given a chance to thank Him for all the things He has blessed.”


Nagpagaling muna sina Ken at Rita at saka bumalik sa taping ng Ang Dalawang Ikaw at natapos nila ang taping. Kahapon ang world premiere nito sa GMA-7.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page