top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pati anak, pinagseselosan ANGELICA, INAATAKE NA NAMAN NG POST-PARTUM DEPRESSION

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 3, 2023




Todo-emote ngayon si Angelica Panganiban sa kanyang mga posts sa social media.


Tampung-tampo siya sa mga beshies niya sa showbiz dahil hindi na raw kinukumusta ng mga ito ang kanyang kalagayan ngayon.


Feeling pa nga ni Angelica ay ang kanyang anak na si Amila Sabine o Baby Bean na lang ang importante at gustong makita ng mga kaibigan niya.


Si Glaiza de Castro ang kanyang BFF for 20 years. Sina Kim Chiu at Bela Padilla naman ay mga close friends din niya. Tinawag pa nga ng tatlo ang kanilang grupo na “AngBeKi” at madalas din silang mag-bonding noong wala pa sina Gregg Homan at Baby Bean sa buhay ni Angelica.


Well, it seems na inaatake na naman ng postpartum depression itong si Angelica, kaya naghahanap siya ng atensiyon at moral support mula sa kanyang mga kaibigan.


Hindi niya dapat kainggitan ang anak na si Baby Bean. Dapat nga ay magpasalamat pa siya dahil marami ang natutuwa sa anak niya na super cute at bibung-bibo. Kulang pa ba ang atensiyon na ibinibigay sa kanya ni Gregg?


Ang dapat na gawin ni Angelica ay paghandaan ang nalalapit nilang kasal ng partner sa Siargao.


Kailangang magpaganda siya at ibalik ang dati niyang sexy figure para blooming at beautiful bride siya sa araw ng kanyang kasal.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page