top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Patayan sa iskul, non-stop... Utos ni PBBM: Protektahan ang kabataan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | June 28, 2026



LTMS - Pangulong Bongbong Marcos - FB

Photo: Pangulong Bongbong Marcos - FB


Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mas mahigpit na proteksyon para sa kabataan laban sa karahasan at kapabayaan kasunod ng mga kamakailang insidente sa mga paaralan na nagdulot ng malagim na pagkawala ng buhay.


“Ang paaralan ay dapat maging lugar ng pagkatuto, pangarap at pag-unlad, hindi lugar kung saan nangamba ang mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak,” wika ni Marcos sa kanyang video message.


“Kailangan maprotektahan ang ating mga kabataan. Maprotektahan laban sa karahasan. Maprotektahan laban sa kapabayaan. Maprotektahan laban sa panganib. At maprotektahan laban sa mga tahimik at pinagdaraanan at pasaning dinadala ng marami sa kanila,” ani Marcos.


Sinabi ng Pangulo na inatasan niya ang mga ahensiyang nangangasiwa sa edukasyon, kapulisan, kalusugan, at lokal na pamahalaan na paigtingin ang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa buong bansa.


Umapela rin ang Pangulo sa mga magulang na maging aktibong katuwang sa paggabay at pag-aalaga sa kanilang mga anak.


Hinikayat din niya ang mga guro na ipagpatuloy ang kanilang tungkulin hindi lamang bilang mga tagapagturo kundi bilang mga gabay at tagapayo ng mga mag-aaral.


“Dapat ring tiyakin ng mga paaralan na mahigpit na nasusunod ang mga panuntunan sa kaligtasan, sa loob man ng silid-aralan, sa mga field trip, training camp, o iba pang mga gawain pang-eskwela,” punto ni Marcos.


“Sa bawat estudyanteng nanonood ngayon, mahalaga ang inyong buhay, mahalaga ang inyong mga pinagdadaanan, at ang paghingi ng tulong ay hindi kailanman tanda ng kahinaan. Sa mga magulang naman, huwag maliitin ang halaga ng isang simpleng pag-uusap kasama ang inyong anak.” Dagdag pa nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page