top of page
Search
  • BULGAR

Patayan, mas maiiwasan kung aktibo ang mga Bgy. Officials

@Editorial | July 22, 2023


Natukoy ng Pambansang Pulisya na marami sa mga homicide cases na naitala sa buong bansa ay nagsisimula sa mga inuman at mga pagtatalo.


Ito 'yung mga senaryo na masaya namang nag-iinuman pero biglang nagkakapikunan hanggang sa mauwi na sa patayan.


Una na ring tinukoy ng Philippine National Police (PNP) na ang homicide ang isa sa mga binabantayang krimen sa buong bansa, dahil sa pagtaas ng bilang nito ng hanggang sa sampung porsyento sa unang kalahating bahagi ng taon.


Kaugnay nito, inaaral na umano ng PNP kung paano lalong makatutulong partikular ang mga opisyal ng Barangay para mapababa ang homicide cases sa Pilipinas.


Naniniwala ang PNP na makatutulong kung magiging mas aktibo ang mga opisyal ng Barangay sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa nasasakupan. Katulad ng simpleng pagpapauwi sa mga nag-iinuman sa lansangan sa takdang oras.


Walang higit na nakakaalam sa kalagayan ng Barangay kundi ang mga opisyal. Kaya mahalagang pinipili nating mabuti ang mga ibinoboto. Ilang buwan na lang, Barangay at SK Elections na, pag-isipang maigi kung sino ang karapat-dapat na maging kinatawan sa Barangay. Piliin natin ang mga may kakayahan at higit sa lahat, may konsensya.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page