Patayan ang trabaho, mababa naman ang suweldo…Mga bagong graduate na nurse, dedma sa alok ni
P-Digong na mag-work sa gobyerno
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 10, 2022
P-DUTERTE, DAPAT IPATOKHANG ANG MGA NAGSASABING ‘FAKE’ ANG COVID-19–Habang nananawagan si P-Duterte na magpabakuna na ang mamamayang hindi pa bakunado, may mga grupo na nagtungo sa harap ng tanggapan ng Department of Health (DOH) at nananawagang itigil na ang vaccination program ng pamahalaan dahil ‘fake’ lang umano ang COVID-19.
Una sa lahat, totoo ang COVID-19. Marami na ang namatay d’yan, kaya’t ang dapat gawin sa mga nagsasabing ‘fake’ ito ay ipatokhang ni P-Duterte para matigil ang pagkalat ng maling impormasyon, period!
◘◘◘
ALOK NI P-DUTERTE NA MAGTRABAHO SA GOBYERNO, MALABONG PATULAN NG MGA BAGONG GRADUATE NA NURSE–Malabong patulan ng mga bagong graduate na nurse ang panawagan ni P-Duterte na mag-apply sa gobyerno para tumulong sa laban kontra COVID 19, bukod kasi ang napakaliit ng suweldo ay patayan din ang kanilang trabaho.
Sa totoo lang, maraming nurse ang nag-resign sa mga public hospital dahil sa mga nasabing kadahilanan, kaya malamang ay dedmahin nila ang alok na trabaho ni P-Duterte.
Kung gusto ni P-Duterte na tanggapin ang kanyang alok, doblehin niya ang suweldo ng mga health workers, tulad ng pag-doble niya sa suweldo ng mga militar at pulis, boom!
◘◘◘
NOON, PALAGING NAKIKITA ANG MGA KANDIDATO, PERO NANG NANALASA ANG OMICRON VARIANT, MISSING NA SILA–Matapos ang filing ng candidacy ay nag-ikot na sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga kandidato sa national position para mangampanya at kadalasang bukambibig nila ay handa silang tumulong anumang oras na kailanganin sila ng mamamayan.
Pero nang manalasa na ang Omicron variant, ‘yung mga pulitikong ang sisipag magsipag-ikot last year ay hindi na nagpapakita ngayon para tumulong sa mamamayan, tsk-tsk-tsk!





Comments