Patay sa sumabog na pabrika ng paputok, 5 na

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 3, 2024

Pumanaw ang isang 5-anyos na bata sa sunog sa fireworks factory sa Cabuyao, Laguna, na nagdadala ng kabuuang bilang ng pagkamatay sa 5, ayon sa local government unit (LGU) ngayong Sabado.
Dinala ang bata sa isang ospital sa Quezon City ngunit hindi nakaligtas, ayon kay Aris Mane, chief information officer ng Cabuyao LGU.
Nangyari ang sunog sa Barangay Bigaa noong Huwebes, na una'y nagdulot ng dalawang pagkamatay at anim na sugatan, kasama na ang bata.
Ayon sa Police Regional Office 4A (PRO 4A), tumaas ang bilang ng namatay sa apat noong Biyernes.
Kinilala ang mga nasawi bilang sina John Ronald Gonzales Deduro, 23; Marvin Lamela Ocom, 27; Ricardo Olic-Olic, 51; at Bebot Reymundodia, 44, ayon sa mga pulis.
Bagaman may mga kaukulang permiso ang pabrika ng paputok, hindi ito ang unang beses na nasunog ito. Wala namang namatay sa mga naunang insidente.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng insidenteng ito.





Comments