top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Patay sa pagbaha at landslides sa Davao, 16 na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 4, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 4, 2024




Umabot na sa 16 ang bilang ng mga namatay sa pagbaha at mga landslides sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Naitala ang lahat ng 16 na namatay sa Davao Region (Rehiyon 11), ayon sa ulat noong Linggo.


Sampu ang naitalang patay sa Davao de Oro habang anim naman sa Davao del Norte at kasalukuyang iniimbestigahan para sa kumpirmasyon ang ulat ng mga nasawi.


Tatlong tao ang kasalukuyang nawawala habang 11 naman ang sugatan.


Malakas na ulan mula sa isang low-pressure area at northeast monsoon simula Enero 28 ang nagdulot ng malawakang pagbaha sa Mindanao.


Apektado ang halos 772,276 katao o 204,840 pamilya mula sa 508 barangay sa Davao, Northern Mindanao, Soccsksargen, Caraga, at BARMM.


Sa kanila, 409,444 katao o 118,807 pamilya ang napalikas at naghahanap ng kanilang tirahan sa 431 evacuation center o ligtas na lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page