top of page

Patay sa lumubog na barko sa Basilan, 40 na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

by BRT @News | February 1, 2026



MV Trisha Kerstin 3 - PCG

Photo: PCG



Umabot na sa 40 ang naitalang nasawi mula sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa Basilan nitong Enero 26.


Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isa pang labi bandang alas-2 ng hapon habang isinasagawa ang search and rescue operations.


Tatlong bangkay ang narekober kahapon, Enero 31.


Samantala, ayon sa Zamboanga City Hall, may mga pasahero umanong umamin na hindi nagsulat sa manipesto at sa loob na ng barko bumili ng ticket.



Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), na-retrieve nila ang tatlo pang mga labi ngayong Linggo, Pebrero 1 matapos na marekober ang mga ito sa karagatan ng Basilan ng lokal na pamahalaan ng Hadji Muhtamad.


Matatandaang ang roll on-roll off passenger ferry ay umalis mula sa Port of Zamboanga City noong Enero 25, patungo sa Jolo, Sulu nang lumubog ito sa karagatan ng Basilan kinabukasan, Enero 26.


Batay sa ulat, mula sa inisyal na bilang na 19 na namatay, 11 pang labi ang narekober noong Huwebes, apat noong Biyernes, at tatlo nitong Sabado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page