Patay sa loob ng kotse sa parking ng iskul... Lasalista, may plastik sa ulo, wire sa leeg

by Janice Baricuatro @News | October 2, 2026

Photo: De La Salle Medical and Health Sciences Institute - FB
Isang 24-anyos na college student ang natagpuang patay sa loob ng nakaparadang sasakyan sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite, alas-9:40 ng gabi kamakalawa.
Kinilala ang biktima sa alyas Gus, residente ng Imus City.
Ayon sa inisyal na ulat, hindi pa umuuwi ang biktima kaya hinanap siya ng kanyang tiyahin. Sa tulong ng GPS device na nakakabit sa susi ng sasakyan, natukoy na nasa parking area pa rin ng paaralan ang kotse. Nang puntahan ito ng tiyahin, bumulaga sa kanya ang biktima sa likurang bahagi ng sasakyan, na may plastik na nakatakip sa ulo at plastic wire sa leeg.
Nabatid din sa tiyahin na may iniinda umanong problema sa mental health ang biktima at nagpapagamot para rito.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, upang matiyak na walang foul play na naganap sa insidente.





Comments