Patay sa gumuhong hotel, 4 na, 17 pa nawawala
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 26, 2026

Photo: Ang labi ng isa pang obrero na nahugot mula sa gumuhong gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga kung saan umabot na sa 4 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa trahedya. (Jeff Tumbado)
Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng isang gusaling itinatayo sa Angeles City, Pampanga makaraang makarekober ng isa pang bangkay nitong Lunes ng umaga.
Ayon kay Bureau of Fire Protection Central Luzon spokesperson Fire Superintendent Maria Leah Saijili, alas-10:30 ng umaga nang marekober ang isa pang biktima mula sa gumuhong 9-palapag na gusali sa Brgy. Balibago.
Unang narekober ang ikatlong bangkay alas-7:20 ng umaga.
Nasa 17 katao pa ang nawawala at pinaniniwalaang na-trap sa bumagsak na istruktura.
Nakipag-ugnayan na rin umano ang may-ari ng gusali sa mga kaanak ng mga biktima at lokal na pamahalaan.
Samantala, ayon kay Sec. Rex Gatchalian, una nang nagbigay ang DSWD ng tig-P10,000 cash assistance sa 34 na apektadong indibidwal, bukod pa sa family food packs at hygiene kits para sa mga survivor at kamag-anak ng mga construction worker.





Comments