Patay sa gumuhong hotel, 28 na
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 8, 2026

Photo: Bitbit ng mga rescue team ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang ika-28 bangkay na nakuha nitong Sabado ng gabi, sa patuloy na search, retrieval and clearing operations sa gumuhong gusali. (Jeff Tumbado)
Umabot na sa 28 ang bilang ng mga nasawi sa pagguho ng 9-palapag na gusaling nasa ilalim ng konstruksyon sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga, makaraang makuha ng mga rescuer ang isa pang biktima mula sa mga debris nitong Sabado ng gabi.
Batay sa pinakahuling datos ng Bureau of Fire Protection (BFP) na inilabas nitong hapon, Hunyo 7, pito sa 28 nasawi ay hindi mga construction worker.
Dahil dito, lumilitaw ang mga katanungan kung sinu-sino ang nasa loob ng gusali nang ito ay gumuho noong Mayo 24.
Patuloy pa ang retrieval at clearing operations habang sinisikap ng mga awtoridad na matukoy ang lahat ng biktima at malaman kung sino pa ang maaaring nasa loob ng gusali noong mangyari ang trahedya.





Comments