top of page
FRANKLY - IYAKAN N’YO ANG NINANAKAWANG PILIPINO - KAREN-IG _iamkarendavila.jpg

Patay sa gumuhong hotel, 20 na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 3, 2026



Gumuhong hotel gusali sa Pampanga - Jeff Tumbado

Photo: Ang isa sa mga labi na narekober ng mga rescuer mula sa debris ng gumuhong gusali habang inililipat sa ambulansya sa patuloy na mano-manong search, rescue and retrieval efforts sa iba pang nawawala. (Jeff Tumbado)  



Pumalo na sa 20 ang mga naitalang nasawi mula sa pagguho ng isang 9-storey concrete building sa Balibago, Angeles City, Pampanga, ngayong Martes, Hunyo 2.  


Ayon sa Angeles City LGU, ang ika-18 at 19 na mga bangkay ay nakuha mula sa mga guho ala-1:17 ng hapon habang ang ika-20 ay ala-1:19 ng hapon. 


Tiniyak ng LGU na agad isinagawa ng City Health Office ang tamang proseso ng retrieval, tagging, at Disaster Victim Identification (DVI) sa narekober na mga bangkay. 


Nagpapatuloy ang search, rescue, at retrieval ng mga awtoridad kasabay ang clearing operations, sa pangunguna ng Unified Command.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page