Patay kay ‘Inday,’ 26 na, 14 nawawala
- BULGAR

- 9 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 16, 2026

Photo: MDRRMO Mataasnakahoy
Umabot na sa 26 ang nasawi, habang 14 ang nawawala at siyam ang nasugatan dahil sa epekto ng pinaigting na Southwest Monsoon (Habagat) at Tropical Cyclone Inday.
Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Hulyo 15, 2026, ang mga nasawi ay naitala sa Iloilo (1), Zamboanga Sibugay (2), Bukidnon (2), Davao Occidental (4), Sarangani (10), at Lanao del Sur (7).
Karamihan sa mga biktima ay nalunod o nasawi dahil sa pagguho ng lupa.





Comments