top of page

Patawarin na lang daw ang mga nagkakamali… KORINA, HALATANG WALANG BALAK IDEMANDA SI VICO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 28, 2025



Korina Sanchez - IG

Photo: Korina Sanchez - IG



Ramdam ang lungkot o tampo sa caption ni Julius Babao sa quotation card na ipinost niya sa Instagram (IG) mula kay Walter Winchell. 


Ang sabi sa quotation card, “A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out.”


Ang caption ni Julius sa post niya: “Maraming Salamat sa pagmamahal at pag-unawa ng mga TUNAY na kaibigan! Ngayon, alam ko na kung sino kayo. God Bless You All!”


Naka-off ang comment box sa IG ni Julius. May ipinost lang ito, mga pahayag ng mga taong nakakakilala sa kanya. Hindi sila naniniwala sa mga ipinaparatang kay Julius. 

Well, binanggit ni Orpheus M. Velasco ang kanyang mga rason sa pagtatanggol kay Julius, na agad namang pinasalamatan ng huli. 


“Maraming salamat sa iyong opinyon Orpheus Velasco,” ani Julius at pinasalamatan din nito si Allan Encarnacion.


Sa post pa ni Julius, itinanggi niya ang P10 million na diumano’y ibinigay sa kanila ni Korina Sanchez ng Discaya couple kapalit ng interview.


Aniya, “The 10 Million accusation is super fake news! People in the media industry know me as one who can never be bribed by anyone in exchange for favors or for a story. Sa interview na ito 10 months ago nina @jannolategibbs at @stanleychi, sinagot ko ‘yan.”


Samantala, nakabalik na si Korina at ang kanyang team mula sa Hong Kong. Na-miss niya ang 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV kung saan nanalo siya. Nagpasalamat siya sa PMPC at nakakatuwa ang photo na hawak ng kanyang mga anak na sina Pepe at Pilar ang trophy.


Maraming nag-congratulate kay Korina. May mga nag-comment pa na dapat niyang i-consult ang lawyer dahil sa unauthorized at malicious posting ng interview niya sa Discaya couple. Baka raw ma-bully sina Pepe at Pilar dahil sa isyu.


May nag-comment pa na dapat matuto si Vico ng basic respect and courtesy bago i-post ang picture niya. 


Sagot ni Korina, “Most important is proof.”


Sa nag-comment na suportado niya sina Korina at Julius Babao at tama na raw ang mga irresponsible leader running the show, sagot ni Korina, “I guess everyone makes mistakes. We have to try to understand and try to forgive.”


Sa nagkomento pa na bigyan daw ni Korina si Mayor Vico Sotto ng lesson on public administration, sagot niya, “Relax. The truth stands firmly on its own.”


Tanong ng mga netizens, sa mga sagot na ito ni Korina Sanchez, ibig bang sabihin ay wala siyang planong magdemanda laban kay Mayor Vico Sotto?



RAMDAM naman ang saya at tuwa ni Kim Chiu sa pagbabalik ni Bela Padilla sa Star Magic Philippines at sa Kapamilya Channel. 


Pumirma si Bela ng kontrata sa Star Magic at binigyan siya ng grand welcome.

Mababasa ang comment ni Kim, “Big congratulations, Momsy. Finally!!! Welcome to Star Magic family.”


Sagot ni Bela, “Thank you, Tauren Twinnit, so excited.”

Excited din ang mga fans sa pagbabalik ni Bela sa Star Magic at wish nila na bigyan silang dalawa ng project na magkasama. 


Mas okey daw kung makakasama rin nila ang isa pa nilang friend na si Angelica Panganiban.


Mag-BFF sina Kim at Bela. Pinuntahan pa nga ni Bela si Kim sa Cebu dahil alam niyang kailangan nito ng friend sa pinagdaanang family problem. 


Sobrang na-appreciate ‘yun ni Kim at mas nagpatibay pa sa kanilang friendship.

Nag-congratulate rin si Charo Santos kay Bela, “Congratulations, Bela. Best wishes for an exciting journey ahead.”


Anyway, kahit nasa Star Magic na ang aktres, tuloy pa rin ang film assignment niya sa Viva Films. 


In fact, showing na soon ang Viva Films movie nila ni JC Santos na 100 Awit Para Kay Stella (100APKS) with Kyle Echarri.


May isa pang pelikula sa Viva si Bela, kapareha naman niya si Carlo Aquino. 

Ibig sabihin, walang conflict ang pagbabalik ni Bela Padilla sa Star Magic sa projects niya sa Viva Films.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page