top of page
Search
  • BULGAR

Pastor Quiboloy, wanted na sa FBI, wanted pa sa NBI at PNP

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Abril 5, 2024



SENADOR NA SI RAFFY TULFO AT KAPAG NAGING SENADOR DIN SINA ERWIN AT BEN, LAGOT ANG MGA ABUSADO AT TIWALI SA GOBYERNO -- Sa latest survey ng Pulse Asia ay pasok sa top 12 ang magkapatid na ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo at Bitag host Ben Tulfo, at sakaling palarin maging senador sa 2025 midterm election ang mag-utol na ito ay tatlo na silang Tulfo sa Senado, kasama si Sen. Raffy Tulfo.


Sa totoo lang, sa survey na pasok sa top 12 sina Erwin at Ben Tulfo ay tiyak kakaba-kaba na ang mga abusado at tiwali sa gobyerno, kasi kapag nagkataon ay tatlong Tulfo na sa Senado ang gigisa sa kanila, ‘ika na, lagot sila sa Tulfo brothers, abangan!


◘◘◘


PASTOR QUIBOLOY, WANTED NA SA FBI, WANTED PA SA NBI AT PNP -- Matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Davao Regional Trial Court (RTC) laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) Pastor Apollo Quiboloy kaugnay sa mga kasong child abuse at sexual abuse ay maituturing na siyang most wanted criminal sa buong mundo.


Bukod kasi sa wanted na siya sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ay wanted pa siya ngayon sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP), boom!


◘◘◘


SASADSAD TALAGA ANG RATING NI PBBM KASI ‘DI PA RIN NATUTUPAD ANG PRAMIS NIYANG P20 PER KILONG BIGAS -- Sa survey ng Pulse Asia at Tangere firm ay parehong sumadsad ang rating ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


Sa survey ng Pulse Asia ay mula sa dating 68% approval and trust rating noong December 2023, sumadsad ito sa 55% rating nitong nakalipas na Marso 2024, at sa survey naman ng Tangere firm, mula sa dating 56% approval and trust rating ay sumadsad ito sa 52% rating last month.


Hindi naman talaga kataka-taka na sumadsad ang rating ni PBBM kasi nga magdadalawang taon na siya sa puwesto, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad ang campaign promise niyang P20 per kilo ng bigas, period!


◘◘◘


KUNG NEXT MONTH MAGIGING P20 NA PER KILO NG BIGAS, TIYAK TATAAS ANG RATING NI PBBM, PERO KUNG HINDI HUWAG NA SIYANG UMASANG TATAAS PA ANG RATING NIYA -- Ayon sa Dept. of Agriculture (DA), next month daw ay bababa na ang presyo ng bigas.


Kung sa sinasabing pagbaba ng presyo ng bigas next month ay magiging P20 na per kilo nito, siguradong tataas na uli ang rating ni PBBM, pero kung kakarampot lang na halaga ang ibababa sa presyo, huwag nang umasa ang Presidente na tataas ang rating niya sa mga survey, boom!


◘◘◘


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page