top of page

Passport, nabawi pa… ANDREW, KILALA NA ANG MGA BASAG-KOTSE NA NAGNAKAW NG BAG NIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 1, 2026



TALKIES - ANDREW, KILALA NA ANG MGA BASAG-KOTSE NA NAGNAKAW NG BAG NIYA-FB Andrew Muhlach

Photo: FB Andrew Muhlach



Ang Viva actor na si Andrew Muhlach ay nabiktima ng bukas-kotse gang, kaya todo-paalala siya sa publiko na mag-ingat sa mga magnanakaw.


Saad ni Andrew, “‘Wag maglagay at mag-iwan ng importanteng gamit sa loob ng sasakyan. Kung importante, dalhin na ninyo.


“Para mabawasan ang mga ganitong pangyayari, mag-ingat po tayo sa mga epal sa mundo ng stress.”


Sa social media post ni Andrew ay nagpasalamat siya sa mga pulis na tumulong sa kanya.


Saad ni Andrew, “Thank you po sa ating kapulisan, lalo na po sa Station 11 Galas.

“Dahil sa inyong tuluy-tuloy na pag-iimbestiga, may magandang balita na natunton na kung sino ang kumuha ng mga gamit ko. Nalaman din po na isa itong malaking grupo. ‘Kaloka kayo, buti ‘di nabasa passport ko sa drainage.


“Itutuloy ko po ang kaso para mahuli sila at matigil ang ganitong mga kalokohan. Kaya maraming salamat po kay Police Captain Bobby Castillo, PCpl Kent Clarence Duerme at kay PLTCOL Virgilio Jopia. Ingat po.”

Anyway, ingat-ingat din, Andrew.






Big tumpak ang veteran actress na si Dina Bonnevie sa sinabi niyang pang-Hollywood ang arrive ng seryeng Love is Never Gone (LING) na kinunan pa sa ibang bansa ang locations tulad sa Morocco.


“‘Yung ihi ko, pinigilan ko from start to end kasi nga ayaw kong umalis,” ang pahayag ni Ivana Alawi sa katatapos lang na screening at mediacon ng ABS-CBN newest Prime Video original series.


Sa panayam ay tinanong sina Joshua at Ivana kung ano ang reaksiyon nila pagkatapos ng screening.


Saad ni Ivana, “Ang ganda, sobrang ganda. Actually, nu’ng pinapanood ko, sabi ko, ‘Grabe, parang pelikula.’ First episode pa lang ng Love is Never Gone, parang movie na, full of action, ‘di kami makahinga, tapos ‘yung ihi ko, pinigilan ko from start to end kasi nga ayaw kong umalis.”


Saad naman ni Joshua, “Ako, masaya ako for everyone kasi ‘di ko alam ang sasabihin ko kasi ang ganda. Kung ano ‘yung napanood n’yo, naka-fast cut ‘yun. So, ‘pag napanood natin sa Prime, mas kumpleto, mas ramdam natin ‘yung bawat eksena.


“Nagsimula kami ni Ivana na nakaupo, nu’ng ending na, naka-ganito, halos mapahiga na sa upuan.”


Tampok din sa Love is Never Gone sina Jameson Blake, Jane Oineza, Michael De Mesa, Epy Quizon at Dina Bonnevie, kasama sina Fyang Smith, JM Ibarra, JC Alcantara, Rans Rifol, Kiko Matos, Argel Saycon, Heart Ramos, Alex Medina, Benj Manalo at Carlo San Juan, at may special participation nina Ara Mina at Irma Adlawan.


Mula ito sa direksiyon nina Manny Palo at Jojo Saguin, at sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment.


Huwag palampasin ang matitinding tagpo sa ngalan ng pag-ibig sa Love is Never Gone, na eksklusibong mapapanood sa Prime Video simula Mayo 8.





PUNUMPUNO ng pagmamahal ang mensaheng ipinost ng aktres na si Pauleen Luna-Sotto para sa kaarawan ng kanyang mister na si Bossing Vic Sotto.


Saad ni Pauleen, “Happy, happy birthday to our anchor, my partner, @mzet280.

“Thank you for everything that you do for us, for the love and the patience.


“It’s not easy to parent 2 young kids at this stage in your life, I know, but I appreciate all your understanding and efforts to make our girls feel loved.


“I pray God would fill your heart with peace, gratitude and joy all the days of your life, my love.


“You are a good person and I thank the Lord every day for your life. I love you so much, babe. Happy birthday,” pagtatapos na sey ni Pauleen para sa kanyang dyowa.

‘Niwey, happy birthday, Bossing Vic Sotto!


‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page