top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pasok sa mga kulelat sa buong mundo.. Pinoy, nabobo dahil sa gadgets

Writer: BULGAR
BULGAR
May 18, 2023
1 min read

ni Mai Ancheta | May 18, 2023




Nasa listahan ng mga kulelat ang Pilipinas dahil sa mababang average ng intelligent quotient (IQ) score ng mga Pilipino.


Batay sa inilabas na report ng World Population Review, pang-111 ang Pilipinas na may average IQ na 81.64 mula sa halos 200 bansa sa buong mundo, kung saan nasa 100 ang itinuturing na average IQ score.


Kabilang sa mga nangungunang bansa sa listahan ay ang Japan, Taiwan, Singapore at South Korea.


Nasa 12 bansa lamang mula sa listahan ng World Population Review ang may IQ score na lagpas sa 100 kaya hindi nangangahulugan na mapurol ang mga bansang mas mababa sa 100 ang score.


Sinabi ng clinical phsychologist na si Fab Calipara na hindi fixed ang IQ ng isang tao at maaaring tataas ito batay sa paggana ng utak ng isang tao.


"Whenever we try to measure 'yung IQ ng isang tao, hindi lang naka-focus sa average kasi mayroon din namang iba-ibang klase, we call it multiple intelligence," ani Calipara.


Sa kaso ng Pilipinas, sinabi ni Calipara na hindi ito nakapagtataka dahil halos lahat ay nakatutok sa gadget na posibleng isang dahilan ng pagbaba ng mentalidad ng mga Pinoy.


Mayroon aniyang tinatawag na digital dementia kung saan nababawasan ang talino ng isang tao dahil sa labis na paggamit ng mga gadget.


Wala namang komento ang Department of Education (DepEd) sa inilabas na average IQ score rankings ng World Population Review.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page