top of page

Pasok sa mga konsehal ng tatakbong mayor ng Manila… SIGAW NG NETIZENS: MOCHA AT ISKO, PAREHONG BASURA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2024
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 11, 2024



Showbiz News

Hindi pa man pormal na nagpapasa ng kanilang certificate of candidacy (COC) for 2025 elections ang dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno — na gustong magbalik sa kanyang iniwang posisyon nu'ng tumakbo siyang pangulo ng 'Pinas last 2022 presidential elections — at ang controversial Duterte supporter-vlogger na si Mocha Uson, aba't sangkatutak na pamba-bash na ang inaabot nila ngayon mula sa mga netizens.


Nag-post kasi ang ABS-CBN News ng balitang isa si Mocha sa mga naka-line-up na tatakbong konsehal sa Maynila sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko ni former Mayor Isko.


Kasama rin dito ang Kapuso star na anak ni Yorme na si Joaquin Domagoso, ang veteran actor na si Lou Veloso at ang ex-PBA player na si Bong Alvarez.


Kung mababasa lang ng kampo at team ni Isko ang komento ng mga netizens, baka sakaling maliwanagan pa siya sa mga pinili niyang isama sa line-up.


Halos iisa kasi ang ipinupunto ng mga netizens — sukang-suka raw sila at 'di nila feel ang mga nangangarap maglingkod sa Manila.


Ilan lang sa mga kumakagat na komento ng mga bashers…


"Juicemiyo.. Pagkaaga-aga ay ipinoposisyon na ang anak.. Pagkatuntong na pagkatuntong sa age reqt (requirement) as councilor ay isinabak na agad-agad.. Ke gagahaman sa kapangyarihan."


"Taga-saan sa District 3 si Mocha? Madami na kaming Marites dito, 'di na namin need fake news niya."


"Nu'ng pinag-artista ni Isko ang anak n'ya at nakabuntis lang. Ngayon naman, sa pulitika, tapos kasama pa si Mocha. Hay, ewan ko sa inyo!"


Komento naman ng isang netizen, "Hindi ko gets bakit nagpapagamit ang GMA dito. Obviously, Joaquin being on Lilet Matias is free publicity. Hindi naman marunong umarte.

And don't get me started about Mocha, she's trash, just like Isko."


Kung manipis pa sina Isko at Mocha, eh, malamang aatras na sila, pero kung matibay na ang dibdib nila at sanay na sila sa mga birada, eh, di go lang!


Sa huli, mga botante pa rin naman ang magdedesisyon… 'yan ay kung walang hokus-pokus, char!



2-time Olympic gold medalist, under sa GF…

CARLOS, TAGABITBIT LANG NG BAG NI CHLOE 


Chloe at Carlos

NEGA na nga ang image ni Chloe San Jose dahil sa mga simpleng patutsada niya sa mga magulang ng kanyang boyfriend na si Paris Olympic two-time gold medalist Carlos Yulo, lalo pang nadagdagan ang inis sa kanya ng mga fans ng gymnast dahil sa kumalat na picture nila nang mag-guest sa vlog ni Luis Manzano, kung saan nakitang bitbit ni Caloy ang bag ng GF.


Ang dami tuloy nag-react na obyus na sunud-sunuran daw talaga itong si Caloy kay Goldie (tawag ng parents niya sa GF) at kung 'di man daw nagayuma ay talagang baliw na baliw lang sa pagmamahal ang atleta dahil kesehodang siya ang magbitbit ng bag ni Chloe ay okay lang.


Well, kung malaki at mabigat siguro 'yung bag ni Chloe, gets pa namin kung si Carlos ang magbibitbit being a real gentleman. Pero maliit na handbag lang naman 'yun na baka nga cellphone, face powder at lipstick lang ang laman, ipinabitbit pa kay dyowa?

Luh, haba talaga ng hair ni Goldie, este ni Chloe, ha?!



3 months pa lang kasal…

CARLO, NAPE-PRESSURE NANG MABUNTIS SI CHARLIE 


Charlie at Carlo -

NA-INTERVIEW namin kahapon si Carlo Aquino through a virtual presscon dahil may international movie pala siyang ginawa last year pa (January, 2023), ang Crosspoint, na finally ay ipapalabas na on October 16 in cinemas dito sa atin at hopefully daw ay magkaroon din ng international screening after.


Shot in Japan and in the Phils., kasama ni Carlo sa movie ang international Japanese actors na sina Yakehiro Hira at Sho Ikushima.


Action-drama-thriller ang Crosspoint kung saan ayon sa direktor ng movie na si Donie Ordiales, ibang-ibang Carlo Aquino ang mapapanood ito, since first time rin ng aktor na unang nakilala sa drama at rom-com movies na gumawa ng ganitong genre.


Ayon naman sa producer-writer na si Rav Bracero, ang common friend nila ni Carlo na si Zeppi Borromeo ang nag-suggest sa kanya nu'ng 2021 pa na ang aktor ang kunin for the role dahil bagay dito. 


Hindi raw nila in-expect na papayag si Carlo, na ang katwiran naman, sino ba ang tatanggi sa movie na sa Japan kukunan at mga international actors pa nga ang makakasama niya.


Na-challenge nga naman si Carlo sa movie at sa edad daw niyang 39 ngayon, open na siya sa kahit ano'ng klase pang roles basta may magandang opportunity na dumating tulad nito.


Pero dahil married na nga siya, kailangan din daw niyang ipaalam sa misis na si Charlie Dizon ang mga offers na darating at pag-usapan nila bago ito tanggapin. 

May mga roles nga naman kasi na delikado tulad nitong action movie niyang Crosspoint at siyempre, kailangang alam ni Charlie.


Kung sakali rin naman daw na magkaroon ng alok for an international career, very open din si Carlo na i-consider. 


Samantala, tinanong namin si Carlo kung totoo bang preggy na ngayon si Charlie at natatawang sabi niya, 'wag daw silang i-pressure lalo't three months pa lang naman silang kasal. 


Eh, mas dapat talagang magsipag si Carlo at mag-level-up career wise dahil may asawa't anak (kay Trina Candaza na former partner niya) siyang kailangang buhayin.

Samantala, kasama rin sa Crosspoint ang mga Filipino actors na sina Ian de Leon, Dindo Arroyo, Sarah Jane Abad, Zeppi Borromeo, Polo Ravales among others.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page