Pasikatan na sa semis at classification match
- BULGAR
- Jul 20, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | July 20, 2023

Laro Ngayon semis
4:00 n.h. – PLDT vs Cignal
6:30 n.g. – F2 Logistics vs Creamline
Maagang magpapasikatan para sa unang panalo sa semifinal match ang mahigpit na magkatunggali at top-teams ng kanilang group na F2 Logistics Cargo Movers at defending champions Creamline Cool Smashers, habang magkakaalaman ng malinaw na koneksyon sa pagitan ng PLDT High Speed Hitters at Cignal HD Spikers sa pagsisimula ng single-round robin ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.
Matatandaang naging matindi ang pagtatapat ng Cargo Movers at Cool Smashers sa All-Filipino best-of-three semifinals sa unang komperensya na umabot sa winner-take-all match at kinalauna’y pinagtagumpayan ng Cool Smashers, habang tumapos sa 3rd place ang F2 Logistics.
Maghaharap ang dalawang premyadong koponan sa pinakatampok na laro ng 6:30 p.m., pagkatapos ng pagtatapat ng High Speed Hitters at HD Spikers sa 4 p.m.
samantalang gaganapin sa umaga ang classification match sa pagitan ng Quezon City Gerflor Defenders at Foton Tornadoes sa unang laro ng 9 a.m. na susundan ng last season runner-up na Petro Gazz Angels at Akari Chargers ng 11:30 a.m.
Parehong nagpalakas ang koponan sa off-season nang magdagdag ng tatlong manlalaro ang Cargo Movers mula kina Jolina Dela Cruz at Mars Alba galing ng De La Salle at Jovelyn Fernandez mula FEU Lady Tamaraws, habang nakuha ng Creamline si Bernadeth Pons mula sa beach volley national team.
Gayunpaman nakatakda pa ring sandalan ng bawat koponan ang kani-kanilang star players mula sa Cargo Movers kina Mayla Pablo, Kim Kianna Dy, Majoy Baron, Aby Marano, Elaine Kasilag, Dawn Macandili, Kim Fajardo at Ivy Lacsina, habang powerhouse na maituturing ang Creamline sa pangunguna ni kapitana Alyssa Valdez kasama sina three-time conference MVP Diana Mae “Tots” Carlos, Jema Galanza, Michelle Gumabao, Ced Domingo, Kyla Atienza, Jeanette Panaga, Risa Sato at ace playmaker Julia Morado-De Guzman.








Comments