Pasaway sa ‘no registration, no travel’, tuluyan
- BULGAR

- Jul 3, 2024
- 1 min read
by Info @Editorial | July 3, 2024

Sa kabila ng paulit-ulit na paalala na bawal bumiyahe nang walang rehistro ang sasakyan, marami pa ring nahuhuling pasaway.
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), umabot sa 10,461 sasakyan ang nahuli sa buong bansa nitong Hunyo.
Sa kabuuang bilang ng mga nahuli umabot sa 6,824 ang motorsiklo, nasa 1,787 ang tricycle; 954 private vans; 451 private sedans at 230 naman ay mga truck.
Layon ng kampanya laban sa mga unregistered vehicles na matiyak na ligtas ang lahat ng road user sa bansa.
Samantala, sa 10,461 sasakyang nahuli, 9,212 ang naisyuhan ng traffic violation tickets habang ang 1,601 naman ay na-impound. Napag-alaman pa na ang ilan sa mga impounded vehicles ay kolorum.
Dahil marami pa rin ang pasaway, umaasa tayo na mas paiigtingin pa ng gobyerno ang kampanya laban sa mga hindi rehistradong sasakyan.
Kailangang pagsikapan na mapigilan ang mga iresponsable sa kalsada para hindi makaperhuwisyo.
Kung hindi kinatatakutan ang tiket o pag-impound, marahil kailangan nang mag-isip ng mas mabigat na parusa.



Comments