top of page

Pasaway sa gobyerno, layas!

  • BULGAR
  • Jan 13, 2023
  • 1 min read

@Editorial | Enero 13, 2023


Epektibo na ngayong Enero ng 2023 ang huling yugto ng umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno.


Alinsunod ito sa Republic Act 11466 o Salary Standardization Law of 2019 o SSL v series of 2020.


Inaasahan na ang huling bugso ng dagdag-suweldo ang sasalag sa taas-presyo.


Saklaw ng umento ang lahat ng posisyon para sa civilian personnel regular man, casual o contractual, appointive o elective, full time o part time, sa sangay ng Ehekutibo, Lehislatura, at Hudikatura, constitutional commissions at iba pang tanggapan, state universities and colleges.


Epektibo rin ang Standardization Law sa lahat ng posisyon para sa mga personnel ng local government units (LGUs), at barangay personnel na binabayaran ng buwanang honoraria.


Hindi naman kasali ang mga kawani na walang employer-employee relationship at pinopondohan ng personnel services appropriations, gayundin ang mga sundalo at uniformed personnel, Government Owned and/or Controlled Corporations (GOCC) sa ilalim ng RA 10149, at mga indibidwal na ang serbisyo ay nasa ilalim ng job orders, contracts of services, consultancy o service contracts.


Ang dagdag-sahod ay nararapat naman talaga para sa mga kawani na tapat sa kanilang tungkulin. Silang mga tunay na public servant.


Pero sa mga empleyado na pumapasok lang para makasuweldo o makilala, mas dapat sa kanila ay sibakin na lang sa puwesto.


Maraming gustong makapasok sa gobyerno na may kakayahan at puso sa paglilingkod sa kapwa, sila ang dapat na nabibigyan ng pagkakataon.


Kaya sana, patuloy ang ginagawang paglilinis sa pamahalaan. Alisin na ang mga pasaway, plis lang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGARY - BEA, NOT ONCE BUT TWICE NANG NAUDLOT ANG KASAL-IG _beaalonzo.jpg
bottom of page