Pasaway sa batas-trapiko dumami nang ipa-stop ang NCAP
@Editorial | June 23, 2023
Kapansin-pansin na dumami ang mga lumalabag sa batas-trapiko nang suspendihin ang implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Sa ngayon, wala ng closed circuit television (CCTV) na kumukuha sa mga traffic violations sa ilalim ng NCAP.
Ayon din sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa 9,500 ang average na paglabag sa batas-trapiko kada buwan.
Kaya naghain na rin ang MMDA ng mosyon sa Korte Suprema upang ikonsidera ang pag-aalis ng temporary restraining order (TRO) sa implementasyon ng NCAP. Bagay na sinang-ayunan ng ilang opisyal ng gobyerno.
Sakaling ibalik ang NCAP, umaasa tayo na ito ay magiging mas epektib na kontra pasaway sa trapiko. ‘Yung mababantayan na ang mga major roads ng Metro Manila nang 24/7 at matutugunan na ang mga isyu sa due process at data privacy concerns.
Kung responsable at disiplinado lang sana ang lahat ng motorista, hindi tayo problemado sa trapiko. Mabilis sana ang biyahe at tuloy ang usad ng kabuhayan. Pero sadyang may mga pasaway talaga, kaya kailangan ng mas mahigpit na batas.



Comments